Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

jueves, julio 07, 2005

Insomnia sa Makiling street



Habang lumalangoy sa kadiliman ng silid
Habang natutulala sa liwanag ng buwan
Habang napapasilip sa mundong binabantayan ng bintana
Habang natutulog ang kamunduhan

Habang hinihintay ng aso ang pagsalubong sa araw
Habang namamasyal sa kalsada ang mga kaluluwa
Habang umiipon ang hamog sa ibabaw ng mga kotche
Habang naglalaro ang mga gamu-gamo sa mga bukas na lampara

Habang naghahalinhinan ang mga hilik
Habang ginagambala ng lamok ang aking tenga
Habang nagpaparami ang mga pusang kalye
Habang kumakanta ang mga palaka

Habang magdamag ang makina ng bentelador
Habang nagbabanta ng ulan ang langit
Habang pinipilit ng mga isdang pumikit.
Habang naglalaban ang lamig at init.

Habang umiihip ng malamig na hangin
Habang may kapit bahay na napapabahing
Habang rumoronda ang mga gwardya
Habang umuunat ang mga dingding

Ako ay nakahiga dito sa dilim,
Sa buong gabi, nakadilat ang mga mata.
Salamat sa kwento ng katahimikan.
Salamat sa kwento ng insomnia.