Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

viernes, julio 01, 2005

Bisita

May bisita kami ngayon. O heto, connect the dots nanaman. (Ahem, ahem). Ang tatay ko may kapatid na babae, si Tita Melba. Eldest yun sa kanilang magkakapatid. She's about 90 years old and living in the US of A. Ngayon, si Tita Melba may apat na anak, ang eldest nila ay babae and they call her... uhm... sheht, I forgot her name. I never met her kase. Basta, yun. And this eldest daughter has 3 kids yata. And the youngest son is in our house right now and he will be staying here until he goes back to the states. Semi-business trip niya yata ito. He's 30 years old. So, kumbaga, pamangkin ko ito. And he's older than I am.

Intro lang yan.

He's resting in the guest room right now. Hindi ko pa siya nakikita pero kumukulo na ang dugo ko sa kanya. Pumasok ako sa kwarto ko na bukas ang lahat ng ilaw ko, bukas ang aircon ko, bukas ang computer ko at pati DSL modem ko, bukas din. Aba, aba, ABA! Hindi yata tama 'yan.

Hmmmmmm!!

Milagrong hindi pa niya hiniram yung iPod ko na katabi lang ng computer ko. Tsss!

Lahat yata ng kamag anak ng tatay ko inaaway ko. Kase naman, eh! Ang kukupal! Grrrrr!

Sige, gagayahin ko si Polgas.

* Happy thoughts, happy thoughts, happy thoughts, happy thoughts.

*****

Nahirapan ba kayong maghanap ng gas station ngayong araw na may gas? My gulay. Naka 4 na gas station ko bago ako nakapag lagay ng gas sa kotche ko. Mangyari, starting July 1 may dagdag na VAT na ang gasoline. Ngayon yun, di ba? Kumbaga, nag-panic buying ng gas ang mga tao kahapon bago sila maabutan ng dagdag na presyo ng gas.

Siyempre, nakakunot nanaman ang nuo ko. May VAT ang gasolina??? Putangina. Katarantaduhan na ito. Expect everything else to raise up their prices.

*****

At bago nanaman ang hair cut ko! Ang sarap. Ang lamig! In case hindi ko pa nasasabi dito, 3 times a month ako nagpapagupit ng buhok. Every 10th, 20th and 30th. Ayoko kaseng nagmumukhang bunot ang buhok ko. At Semikal ang hair cut ko. Pumapangit kapag hindi pantay-patay ang haba ng buhok after 7 or 8 days. At kapag lumagpas ng 10 days, mahaba na talaga ang buhok ko.

And speaking of mahabang buhok, akala ng doctor ko kanina college student pa ako. Mukha daw kase akong bata. Kaya tinanong ako kung kailangan ko pa ng medical clearance para sa prof ko. AHAHA AHAHA. O di ba, kailangan ko nanamang magpagupit ng buhok bukas???

Buwah huwah huwah huwah...!!!

* Kembot!