Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

jueves, junio 30, 2005

The Village

What if we put up a small village, just for a selected few lang, and start living like as if it were the 19th century. Wouldn't that be nice? I mean, there would be no politics, no rage, no drugs, and everything bad that the Philippine society has right now. Of course there would be politics coz we would need people to lead the community. But since it would be a small community, and not the whole country, it wouldn't be as horrible as the national government. And the younger ones would be taught well. We would get the best Doctors, the best teachers, the best farmers, the best in many fields. And we would also have to do without radios and TVs if we were to pretend that it's the pre-American era.

I got this idea from the movie The Village. Di ba parang ang inosente ng mga tao doon? Sana may community na parang ganun pa rin.

Nakakatakot na sa Pilipinas. Napapapunta na sa wala ang pinagsikapan ni Ninoy at ng mga taong nagsakripisyo para ibalik ang demokrasya sa Pilipinas. And GMA failed BIG TIME. Na ginagatungan naman ng oposisyon.

There is another issue behind the wire tapping issue. There are certain things that the public don't need to know. At kung malaman, tulad ng nanyayari ngayon, magkakaroon ng imbalance sa lipunan. Salamat sa opposition, bumilis ang bagsak ng ekonomiya ngayon. Tumataas ang halaga dollar, at lalong nahihirapan kaming mga negosyanteng ipagpatuloy pa ang mga operasyon ng mga negosyo. Sabi nga ng isang kaibigan kong nasa import-export business, kailangan nilang maglay-off ng 50 na tao para lang makahabol sa gastos ng negosyo. Kung patuloy pa rin ang katarantaduhang ginagawa ng oposisyon, baka magsara na lang sila at dagdag 100 tao ang mawawalan ng trabaho.

Sino ba ang oposisyon? Ito ang mga power hungry politicians na gustong bawiin ang kapangyarihan nila na natamasa nila noong panahon ni Marcos. Tignan mo ang mga taong nasa likod ni Erap. Nasa likod ni FPJ. Ito ang mga taong yumaman at naging makapangyarihan noong panahon ng Martial Law. Ito ang mga taong naging hari sa lipunan. Sabi nga ng nanay ko, ito ang mga tao at mga pamilyang tinaguriang mga "cannot be touched." Hindi na maiintindihan ng mga karaniwang Pilipino yan ngayon dahil either bata pa o hindi pa sila ipinanganganak noong dekada iyon. O baka naman sadyang makakalimutin ang karaniwang tao? Kahit ako, wala pa akong malay noon. Pero ang magulang ko ay mga naging political observer. Mga naging saksi at mga naging biktima ng madilim na nakaraan ng Pilipinas.

Hmmmm.... magumpisa kaya akong magbasa ng post-American Philippine History.