Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

viernes, junio 10, 2005

Nota

5 years old ako nung dinala ako ng nanay at tatay ko sa isang jazz piano concert sa CCP. Hindi ko alam kung bakit ako isinama doon. Wala namang cartoons o kaya palabas na pambata. Pero pasalamat sila, wala akong tantrums nung gabing iyon. Napabilib ako sa pagtugtog ng pianista. Pero mas lalo ako namangha sa ganda ng tunog ng piano. Kumpleto. Malinaw. Napagsasabayan.

Sumunod na araw, sabi ko sa nanay ko gusto kong matutong tumugtog ng piano. Makalipas ng isang linggo, dumating na ang piano ko. Isang maliit na upright piano na tamang-tama lang sa maliit na bahay namin. Sumunod na buwan, nag-aaral na akong mag-piano.

Si Mrs. Umali ang una kong piano teacher. Pag-dating sa ugali, iisa lang ang masasabi ko tungkol sa kanya. PUTANG INA NIYA. Tuwing piano session namin sa bahay niya, wala na akong narinig sa putang inang babaeng ito kundi pagmumura. At sinong minumura niya? Ako! Tangina.

"Putang-ina, ayusin mo yang daliri mo!"

"Putang ina, curve your fingers!"

"Putang ina, no slouching!"

At kapag mapapalayo yan sandali para mag-timpla ng kape, tuluy-tuloy pa rin ang bunganga niyan kahit nasa kusina na.

"Puuuuutang ina ayusin mo yang pagtugtog mo. Baka akala mo hindi kita nakikita lintik kang bata ka. Ayusin mo yan, ayusin mo yan! Putang ina."

Kung minsan, kapag nagkakamali sa pagpindot sa piano, ayan yung papaluin ang kamay ko ng pamaypay. Mabuti sana kung pamaypay na abaniko. Kaso mo, yung pamaypay sa yari sa makakapal na kahoy. Yung gamit ng mga lola. Masakit ha.

Hindi naman ako makapag-reklamo. Takot ko lang. Eh, sa edad ko na yun, hindi ko naman alam ang ibig sabihin ng putang ina. Hindi naman nagmumura ang mga magulang ko (kahit na gaanong gitil na sa akin) kapag kaharap ako. Ang alam ko lang, hindi maganda ang sinasabi niya, at masungit siya. Siguro frustrated siya at may anak siyang kambal na Assumptionistang asal puta. Siguro frustrated siya na bum ang asawa niya. Siguro frustrated siya at mukha siyang baboy.

Sa umpisa, excited akong pumunta sa bahay ni Mrs. Umali. Nung tumagal-tagal na, nawala na. Para bang pumupunta na rin ako sa eskwelahan nang sabado. Nakakabuysit. At kahit na ganun, ako pa rin ang naging pinaka-magaling niyang estudyante. Hindi sa na-challenge ako sa kanya. Wala lang. Talagang talented lang ako. Harharharhar.

After three years, Lumipat kami sa Alabang. Ang akala ko hindi na ako magpa-piano lessons. Ang akala ko natakasan ko na si Mrs. Umali. Pero, o hindi. Siya pa rin ang piano teacher ko. Every saturday morning, pumupunta siya sa bahay mula sa ParaƱaque, at ang asawa niyang bum ang nagdi-drive para sa kanya. Kung minsan, kasama yung dalawa niyang punyetang mga anak na mayayabang. O, ha? Nakakaloka ang set-up.

Pero hindi din yan nagtagal. Less than one year yata. Nalayuan yata sa Alabang. Ang sabi ng yaya ko nag-away sila ng nanay ko kaya hindi na biglang nagpakita. Tungkol yata sa fee. Harharhar. At nawala din si Mrs. Putang Ina.

Ang sumunod na teacher ko ay si Mrs. Yaneza. Ilang bloke lang ang layo ng bahay niya mula sa bahay namin. Opera singer yata siya nung panahon nina Marcos kaya soprano galore siya habang tumutugtog ako. Gustung-gusto ko si Mrs. Yaneza kase mabait siya. Natauhan tuloy ako na si Mrs. Umali lang yata ang piano teacher na may katok na nagmumura ng estudyante niyang bata. Pero napansin ng nanay ko na wala ako masyado natututunan.

"Eh siiiiiiingerrrr naman yan eh, hindi piano tiiiiicherrrrrr...," sabi pa niya. Kaya after another 2 years, may bago nanaman akong piano teacher. Si Mrs. Ramos.

Meron nga palang kaibigan ang nanay ko na taga-Amerika na matandang dalaga, si Tita Rochelle, na may baby grand pianong naiwan sa bahay niya sa Manila. Binigay niya ito sa akin at pina-restore ng nanay ko. Kase naman panahon pa ni Jose Rizal ang pianong ito at nagkanda tuklap-tuklap na ang mga Ivory keys. Nung una ayaw ko sa pianong ito dahil sa sobrang tanda, baka may kasama nang multo. Natandaan ko tuloy yung Haunted House sa Big Bang sa Alabang. Grabe yung moo-moong nagpi-piano doon. Hinabol ako! Anyway, no choice din naman ako kase bata lang naman ako. Tapos ako na nga ang binibigyan ng regalo, tatangihan ko pa. So ayun. Nasa gitna siya ng living room at takut na takot akong lumabas ng kwarto ko kapag gabi at baka may makita pa akong naka-upo sa piano ko.

By this time, sawa na akong mag-piano. Kase naman puro na lang classical piano ang pinapatugtog sa akin. Hindi ako maka-relate! Napasabi tuloy ako sa teacher ko, "hindi ba ako pwedeng tumugtog ng piece na kapanahunan ko?" [sungit, sungit, sungit, sungit]. Natawa si Mrs. Ramos. Pinayagan niya akong bumili ng mga modern pieces. Pero... mas lalo palang mahirap!

Cool si Mrs. Ramos. Kasing edad niya si Mrs. Yaneza pero mas bata siya kung kumilos. Feeling ko hippie siya nung 70's. Ganun lang ang dating nilang mag-asawa.

Bawat isang piece ng Sonatina, iniyakan ko. Ibang feeling ng accomplishment kapag na-master mo na ang isang piece na pagkahirap-hirap tugtugin, na halos magkanda tali-tali na ang mga daliri ko sa sobrang bilis ng tempo. Ang problema lang sa akin hindi ko kayang magmemorize ng isang piece. At nang matutunan ko na ang halos kalahati ng libro ko ng mga Sonatina, sinabi ko na sa nanay ko na ayoko nang tumugtog ng piano. Mas gusto ko nang gamitin ang sabado ko sa iba pang mas importanteng bagay. Tulad ng pakikipag-laro sa mga kaibigan.

Medyo na-bad trip sa akin nanay ko. Biruin mo nga ba naman, ilang taon din akong nag-aral ng piano tapos biglang isang araw, ayaw ko na. At may baby grand piano pa ako! Pero hindi na ako talaga masaya eh. Tapos ang sungit-sungit ko pa. So, doon nag wakas ang aking biyahe kasama ang mga nota (hihihihihi.... natawa ako sa "nota." Hihihihihi).

Hindi ko na kayang tugtugin ang mga Sonatinas, o kahit na anong piyesa na tinutugtog ko dati. Pero pa minsan-minsan, kapag walang magawa, kapag walang tao, pinupuntahan ko ang piano ko at kinakapa-kapa nang kaunti ang mga piyesang dating natutugtog ko. Mapapabuntung-hininga ako't sasabihin sa sarili, "Haaaay salamat. Wala na si Mrs. Umali. Putang ina niya."