Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

martes, junio 21, 2005

Nagsasawa

Ugali ko na ang madaling magsawa sa kung ano mang pinagkakaabalahan ko. Noong bata ako, natutunan kong mag-piano, at pinag-sawaan din ito. Kinahiligan ko ang mag-sulat ng mga maiikling kwento, pero hindi ko na rin itinuloy. Natuto akong gumawa ng graphics, pinagsawaan ko din. Pinag-aralan ko ang HTML, pinagsawaan at kinalimutan din. Na-aliw ako sa Ragnarok, pero ilang buwan lang ako naglaro. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Hindi ko alam kung anong magpapa-aliw sa akin pantawid sa kainipan.

I need a hobby.

At para bang nagsasawa na rin akong mabuhay. Siguro naiingit lang ako sa ibang tao na may excitement na dumadaan sa bawat takbo ng beinte-kwatro oras. Totoo, lagi kong inaabangan ang pagdating ng weekend. Lagi kong kinasasabikan ang pagdalaw ng Sabado. Nakakasawa nang laging naghihintay. Dadating, mawawala, maghihintay at dadating muli. Hanggang kailan na lang ganito? Tumatanda na ako, hindi pa rin ako masaya. Sampung taon mula ngayon, ganito pa rin kaya ako?

Wala rin naman ako patutunguhan. Ibig ko sabihin, hindi ko balak mag-asawa. At baka mamatay lang ako ng allergic reaction sa babae. Hindi ko rin balak magkaroon ng anak at magpadagdag pa ng problema. Kung ang magiging rason ko lang sa pagkakaroon ng anak ay ang seguridad na may mag-aalaga sa akin sa aking pagtanda, mas gugustuhin ko pang magpakamatay na lang kaysa abalain pa ang buhay ng iba.

Mag-drugs kaya ako? Para naman may ma-kwento akong "ah... nasubukan ko nang mag drugs. Saraaaaaaap, grabe!" Ang boring kase ng buhay ko, eh. Ni hindi pa ako nakakapatay ng pulis. Ni hindi pa ako nakaka-kain ng palaka (lasang chicken daw?). Ni hindi ko pa ako nakakapag-drive papuntang Baguio. Ni hindi pa ako nakakapaglakad sa abenida sa kalaliman ng gabi. Ni hindi pa ako nakakapunta ng Boracay!

Kailangan bukas, may maisip na akong mapagkakaabalahan na pangmatagalan. Ayoko na nang ganito. Baka ilang buwan na lang, mababaliw na ako!

Kung saan-saan na napadpad ang sinasabi ko. Kailangan ko na nga sigurong gumising.