Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

martes, junio 28, 2005

visit my phlogHindi ko maintindihan kung bakit tuwing "birthday," kailangan maging "happy." Oo nga, ikinatutuwa ng magulang mo na ipinanganak ka. Pero, ikinatutuwa mo bang nabubuhay ka? Masaya ka ba?

Sabi nga ni Kim sa kanyang anak sa Miss Saigon (ahem, ahem), "Youuuuu never wished to be boooooornnnnn.... You......... Why should you learn of waaaaaaar or paaaaaaaain...."

In a way para na rin ako yung anak ni Kim. Kung sino man yung mga magulang ko na nagmanyak-manyakan nang hindi gumagamit ng condom, pinamigay ako kase siguro hindi pa ako nasa plano nila. O baka bata pa sila at nagaaral lang ng Anatomy. O baka mag-jowa lang sila. O baka nagkita lang sila sa gitna ng rally sa Mendiola. How romantic!

Hindi talaga ako nagce-celebrate ng birthday, yun ang totoo. Para sa akin, yun lang ang araw na ipinanganak ako. Ganun lang ka-simple. Kasing-simple nang nung isang araw, nag-renew ako ng lisensya. O kanina lang, dinapuan ako ng ubo. O nung sabado, naka-kain ako ng halo-halo sa Chowking. Wala akong rason para mag-piyesta, kumbaga.

Same old, same old...

Eh dahil naman sa tradisyon, lumalabas pa rin kami ng pamilya ko tuwing birthday ko. At dahil din naman sa tradisyon, nanlilibre ako ng mga kaibigan pagdating ng weekend. Ok lang dahil para yun sa mga kaibigan ko dahil gusto ko silang nakikitang magkakasama ang masaya.

At kailan ako magiging tunay na masaya para magkaroon ng Happy Birthday?

Ewan ko. Basta ang gusto ko lang sa akin ang mga Sabado ko at hindi maaaksaya sa pamilya o sa trabaho.

Sa ngayon, gusto kong kumuha nang kumuha ng maraming mga litrato. Yun na lang siguro ang pwede kong pagka-abalahan at kunan ng pagkakuntento sa buhay. Masaya na ako doon.

Pero kahit na hindi ko talaga dinidiwang ang birthday ko, sana meron pa rin akong fairy God Mother na magbibigay sa akin ng... hindi glass slippers, ha. Kundi ITO. Hehe.

Minsan lang po mangarap!