Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

jueves, junio 30, 2005

Takas

check out my phlog!Ba't walang pumapansin sa mga litratong kuha ko. Magaganda naman sila, ah? (papansin, papansin!).

'Wag na nga muna natin isipin ang tungkol sa kahunghangang nanyayari sa Philippine politics at baka di tumalab ang botox treatment mo sa sobrang pagkunot mo ng noo. Sabay-sabay na lang tayong magkamot ng ulo.

* scratch, scratch, scratch, scratch

So... sa bahay lang ako buong araw at pilit na nagpapagaling. Pero, hindi pa rin magaling. Pero, in fairness kay Biogesic, magaan-gaan naman ang pakiramdam ko ngayon. Wala pa ring effect sa akin ang Pei Pa Koa kaya balik Robitusin nanaman ako.

Kakaiba ang amoy ng mga aso ko ngayon. Wala silang amoy! At dahil may sipon ako, pina-confirm ko muna sa nanay ko kung talagang wala nang amoy yung mga aso.

"Akala ko inilibing mo na yung mga aso mo. Di ko na sila naaamoy, ah!"

Grabe, ang sweet ng nanay ko. Anyway, so ayun. May binili kase ako na isang liquid medicine, pampaalis daw ng doggie smell. Ihahalo lang sa water nila at after 2 days dapat may effect na. At may effect na nga! Pucha, dapat lang. 800 pesos yung lintek na isang bote nun. Nawalan tuloy ako ng budget pambili ng gas ng kotche ko. Pero at least, nawalan din ng amoy ang mga aso ko. Sana forever na ito!

Ewan ko lang ha pero parang naging mas malandi ngayon yung pug ko. Kung dati dinadaganan lang niya yung labrador ko kung nakahiga, ngayon naman dinidilaan na niya yung itlog ni Dexter. At ba't naman papalag si Dexter eh ang sarap nun. Ehehe ehehe. Ang mga aso kong bading talaga. They're so fabulous! Kung naging tao ang mga yan, nagtayo na sila ng pansitan sa kanto ng Nakpil at Orosa sa Malate. Talbog ang tindero ng fishballs. Magiging friend pa nila si SPO1 Moya. Intriga!!

Haaaaay. Nakaka-inip sa bahay. Sira pa Playstation 2 ko. Buysit.

The Village

What if we put up a small village, just for a selected few lang, and start living like as if it were the 19th century. Wouldn't that be nice? I mean, there would be no politics, no rage, no drugs, and everything bad that the Philippine society has right now. Of course there would be politics coz we would need people to lead the community. But since it would be a small community, and not the whole country, it wouldn't be as horrible as the national government. And the younger ones would be taught well. We would get the best Doctors, the best teachers, the best farmers, the best in many fields. And we would also have to do without radios and TVs if we were to pretend that it's the pre-American era.

I got this idea from the movie The Village. Di ba parang ang inosente ng mga tao doon? Sana may community na parang ganun pa rin.

Nakakatakot na sa Pilipinas. Napapapunta na sa wala ang pinagsikapan ni Ninoy at ng mga taong nagsakripisyo para ibalik ang demokrasya sa Pilipinas. And GMA failed BIG TIME. Na ginagatungan naman ng oposisyon.

There is another issue behind the wire tapping issue. There are certain things that the public don't need to know. At kung malaman, tulad ng nanyayari ngayon, magkakaroon ng imbalance sa lipunan. Salamat sa opposition, bumilis ang bagsak ng ekonomiya ngayon. Tumataas ang halaga dollar, at lalong nahihirapan kaming mga negosyanteng ipagpatuloy pa ang mga operasyon ng mga negosyo. Sabi nga ng isang kaibigan kong nasa import-export business, kailangan nilang maglay-off ng 50 na tao para lang makahabol sa gastos ng negosyo. Kung patuloy pa rin ang katarantaduhang ginagawa ng oposisyon, baka magsara na lang sila at dagdag 100 tao ang mawawalan ng trabaho.

Sino ba ang oposisyon? Ito ang mga power hungry politicians na gustong bawiin ang kapangyarihan nila na natamasa nila noong panahon ni Marcos. Tignan mo ang mga taong nasa likod ni Erap. Nasa likod ni FPJ. Ito ang mga taong yumaman at naging makapangyarihan noong panahon ng Martial Law. Ito ang mga taong naging hari sa lipunan. Sabi nga ng nanay ko, ito ang mga tao at mga pamilyang tinaguriang mga "cannot be touched." Hindi na maiintindihan ng mga karaniwang Pilipino yan ngayon dahil either bata pa o hindi pa sila ipinanganganak noong dekada iyon. O baka naman sadyang makakalimutin ang karaniwang tao? Kahit ako, wala pa akong malay noon. Pero ang magulang ko ay mga naging political observer. Mga naging saksi at mga naging biktima ng madilim na nakaraan ng Pilipinas.

Hmmmm.... magumpisa kaya akong magbasa ng post-American Philippine History.

Madam

Napanood niyo ba yung speech ni Mrs. FPJ kahapon? Kung kinakailangan daw, siya ang magiging presidente ng Pilipinas. Tumaas ang mga balahibo ko! Grabe. Sinong nag coach sa kanyang magsalita ng ganun? Si Rez Cortez??

Para bang nasa isang maliit na isla lang tayo at ang mga Pilipino ay isang maliit na tribo lang.

"Kami ayaw sa iyo. Ikaw bad girl. Ikaw parusahan! Ikaw swimming sa apoy. Kami hanap bago datu. Dami ako fans. Ako na lang bago Reyna. Reyna ako!!! Ako bago REYNA!!!! .....ahem, ahem... uhm.... Ready na ako direk!"

The beauty of democracy. Pwede mo nang bastus-bastusin ang Presidente on national TV. Tsk tsk tsk. How sad.

I feel so bad about this country. It's so... how should I say it? Ineffective? The masa is not slowly killing the Philippines. The country is already dead, the way I see it. Let's all move to Vietnam. Mas may future pa siguro doon. Turuan na lang natin silang maligo, mag-toothbrush at gumamit ng deodorant and we will be fine.

*****

Kung magre-resign si GMA, sino naman ang gusto niyong pumalit sa kanya? Ano ang impact sa iyo ng pangalang President Noli? Paki-abot ng dalawang capsules ng Advil at sumakit yata ang ulo ko. Keep in mind that we have a Constitution we should follow. At kung hindi susundan yan, para saan pa na ginawa ang batas?

*****

I'm staying home today. Kailangang magpahinga, eh. Sana makatulog.

miércoles, junio 29, 2005

Sad news

visit my phlog!The camera I was wishing for isn't available yet in Quiapo. It's not even available yet in mall stores. Pero, my gulay, ang labo naman ng Canon. Ba't pa nila ina-advertise yung camera sa newspapers kung di man lang available sa mga stores. Grrrr. They made me asa.

To Canon, I'll make sabunot your bulbol until you make luwa free 2GB SD cards. Leche.

Yun lang naman ang sad news.

MEANWHILE... back in Yemen... SOMEONE woke me up this morning... at 1AM, mind you... by calling my mobile phone. Siyempre, tumunog nanaman si 'Hello Garci.' I know it's always nice to greet a friend on his birthday. But consider naman that some people don't have the luxury of a good slumber. And I'm one of them. Calling at 1AM? Hello?? Ok lang kung text. Less than 2 seconds lang naman ang ingay nun. I'm a sporadic insomniac, and I would thank Yahweh whenever he blesses me with at least 7 hours of sleep. You know who you are. But, thanks anyway for the greeting. MWAAAAH!

*****

Dami ko din pala ginawa today! I went to work; visited the laundry mat; bought my dogs some vitamins; researched for hotels in South Africa for my Mom's trip; bought some toiletries and medicines; and harassed 3 stray cats for trying to hurt my baby Max.

*****

I was sick today, but still did my work anyway. I had some important stuff to do. (and Ringo, who says STUFFS, hmmm?). But I'm going to take the whole day's rest tomorrow. And I'm super looking forward to that.

Freak show

visit my phlog!I received a text message from a childhood friend, Dennis, a few minutes ago. He greeted me a happy birthday. Now, I haven't seen nor heard from this guy for about 10 years. I asked him how he got my number.

"I got it frm Tita (my Mom) abt 2 mos ago! I went 2 ur hous but u wr in Galera."

Ah yeah. I remember my Mom telling me that he passed by that weekend. Sabi pa nga niya "baklang-bakla na si Dennis."

And then I asked him how he knew my birthday.

"Hello?? D b we wr sweethearts when we wr kids?"

EEEEEEEEEEEEEEEEEEK!!!!!!!!!!!!!!!!!

*****

It's all coming back to me now. I have been molested by my... erm... playmate!

4 years old pa lang... madumi na ako... MADUMI NA AKO!! Huhuhuhuhuhu.

martes, junio 28, 2005

visit my phlogHindi ko maintindihan kung bakit tuwing "birthday," kailangan maging "happy." Oo nga, ikinatutuwa ng magulang mo na ipinanganak ka. Pero, ikinatutuwa mo bang nabubuhay ka? Masaya ka ba?

Sabi nga ni Kim sa kanyang anak sa Miss Saigon (ahem, ahem), "Youuuuu never wished to be boooooornnnnn.... You......... Why should you learn of waaaaaaar or paaaaaaaain...."

In a way para na rin ako yung anak ni Kim. Kung sino man yung mga magulang ko na nagmanyak-manyakan nang hindi gumagamit ng condom, pinamigay ako kase siguro hindi pa ako nasa plano nila. O baka bata pa sila at nagaaral lang ng Anatomy. O baka mag-jowa lang sila. O baka nagkita lang sila sa gitna ng rally sa Mendiola. How romantic!

Hindi talaga ako nagce-celebrate ng birthday, yun ang totoo. Para sa akin, yun lang ang araw na ipinanganak ako. Ganun lang ka-simple. Kasing-simple nang nung isang araw, nag-renew ako ng lisensya. O kanina lang, dinapuan ako ng ubo. O nung sabado, naka-kain ako ng halo-halo sa Chowking. Wala akong rason para mag-piyesta, kumbaga.

Same old, same old...

Eh dahil naman sa tradisyon, lumalabas pa rin kami ng pamilya ko tuwing birthday ko. At dahil din naman sa tradisyon, nanlilibre ako ng mga kaibigan pagdating ng weekend. Ok lang dahil para yun sa mga kaibigan ko dahil gusto ko silang nakikitang magkakasama ang masaya.

At kailan ako magiging tunay na masaya para magkaroon ng Happy Birthday?

Ewan ko. Basta ang gusto ko lang sa akin ang mga Sabado ko at hindi maaaksaya sa pamilya o sa trabaho.

Sa ngayon, gusto kong kumuha nang kumuha ng maraming mga litrato. Yun na lang siguro ang pwede kong pagka-abalahan at kunan ng pagkakuntento sa buhay. Masaya na ako doon.

Pero kahit na hindi ko talaga dinidiwang ang birthday ko, sana meron pa rin akong fairy God Mother na magbibigay sa akin ng... hindi glass slippers, ha. Kundi ITO. Hehe.

Minsan lang po mangarap!

domingo, junio 26, 2005

Maliit ang mundo

visit my phlog! Talagang napakaliit ng mundo naming mga... uhm... special boys.

Si A, na best friend ng ex kong si B, ay kilala (kilala lang ha) pala ng BF ko na si C, na na-chismis na niligawan ng kaibigan naming si D. Nakita ko kagabi si A sa Starbucks sa Malate at kanina sa gym kaya bigla ko siyang naalala. Pinakilala ko si D sa kaibigan kong si E na alam na pala ni D kung sino si E kase kaibigan ni E ang ex ni D na si F. Ang nakakatawa, alam din naman pala ni E kung sino si D pero nung pinakilala ko sila kagabi kunwari hindi sila magkakilala.

Kaloka.

Eksena ito!

At hetong si D, may pinakilala naman sa akin kagabi sa Malate na sina G at H na mga kaibigan din ni F at kaibigan din ni D. Akala ng BF kong si C na mag BF sina G at F dahil madalas niya silang dalawang magkasama sa gym. At ang balita ko kahit na noong sila pa ni D at F, pinagseselosan na ni D si G dahil close si F dito.

Chismis!

Ah, at dumating ang fellow blogger na si I kasama si J na akala ko walang balak pumunta ng Malate kagabi. Kahatak naman ni J ay si K na scoolmate ko nung collage na kaibigan pala ni J at ni L na nangaling pa ng QC. Ka-barkada nina J, K at L si M pero hindi pwedeng lumabas si M dahil may sakit at natatakot na baka lumala dahil sa ulan. Kaibigan din nila si N na tinamad lumabas ng bahay. Incidentally, nakilala ni D si N nung pumunta kami ni D sa Galera more than a month ago. At, pinormahan din ni D ito. Pero ngayon, hindi na daw niya type si N.

Anyway... nandiyan pa si O, P, Q at R.

Ni-message ng ex kong si B ang kaibigan kong si O sa downelink pero hindi naman masyado pinansin ito (according to O). Nag-iwan lang si B ng pa-tweetums na testimonial para kay O na feeling niya close na sila. Si O ang current jowa ng isa pang friend kong si P. Si P ay ang former jowa ng friend kong si M. Friend din ni P si D since college days.

Naalala ko lang si B kase... tulad ni A, nakita ko siya kagabi na may ka-holding hands na isang guy. Mesmerized nanaman ako kase, pucha, ang gwapo pa rin ni B.

Si Q ang isa pang ex kong muntik na maging jowa ni B. Pero since siguro maaga niyang na-sense na krung-krung itong si Q, wala din naman nanyari. Nakita ko si R kagabi, yung isang naka-EB ko 3 months ago na naging date pala ni Q habang nung kami pa. Pero deadma ko lang siya.

Ang liit ng mundo ko.

Sana marami pa akong makilala!

*****

Nakakalitong gumawa ng blind item.

sábado, junio 25, 2005

OK GO, in the backyard dancing

Image hosted by Photobucket.com

Wouldn't it be great to see this group dancing in Malate tonight? :) :) Click on the pic for the video.

viernes, junio 24, 2005

Banal

Ang bait ko talaga! My brother asked me to fix one of my nephews' computers. He's dropping it off tomorrow morning and they need it by Sunday. Ang ganda. Utusan ba ako?

Harsh!

But anyway, it's no biggie... REALLY. As long as he won't give me a problem like looking for device drivers online and provide me with the necessary CDs instead. Chicken lang yan.

Basta basta basta... I wanna go to Malate tomorrow night. Mr. M already gave me the nod. He's going, of course. I don't think he will trust me to go there by myself. Especially with Rx around. I have this feeling that Mr. M doesn't like me seeing Rx. Bakit kaya?

*****

Waaaah! Mukha na akong pork chop! Fat and greasy! Tuesday pa yung huling punta ko sa gym at tumakbo lang ako ng isang oras. I have to go to the gym tomorrow. At least in the morning para makapag-rest ako ng afternoon, if Mr. M will let me, para inuman sa gabi!

Woohoo! BEER! Sheht! Inuman nanaman! Yyyyyyes!!!

OMG! 0cm super macro ????

The Canon Powershot S2 IS, taken from THIS site.



Sana bilhan ako ng nanay ko nito. Harharharhar...!

miércoles, junio 22, 2005

Get Lifted

The personification of the word cool has to be someone who has a huge, if not the complete, part in creating the character as people identify him and her to be. Where TALENT has a colossal part of it. And acting-up is out of the question. In my own little world of make believe, I have considered just a number of people as cool.

I think Erykah Badu is cool. She's funny. She's got her own style. She's non-traditional. And she has real talent. However, not everyone puts attention to it. And Erykah's not the kind of girl who would change her musical style just to satisfy the flow of mainstream. For many years now, though I haven't seen her on stage yet, I have admired this woman as a true performer. Listening to her CDs was enough for my Sunday soul.

Enter John Legend. I just got his CD Get Lifted this afternoon and started playing it in my car soon after. I would describe him as the male counter part of both Erykah Badu and Lauryn Hill. Well, maybe more of Lauryn. I first heard about him about 2 weekends ago on TV. He was singing "Ordinary People" and somehow he got my attention. The video was great. The music was great too. But there was something with the blending of the song with his voice. There was life. And it was coming from the soul. His soul. And listening through his album is like reading his own life story only the listener can understand.

Real music. Real sound. Real songs. And nothing but pure talent. And... he's cute too!



Artist: John Legend
Album: Get Lifted

Chekwang bangkay

I had my driver's license renewed today at the LTO (mini) office at the Motortown in ATC. Wala namang excitement na nanyari since it's REALLY a small office. Masungit lang yung nasa receiving, approval and cashier at iisang tao lang siya. Siguro kase hindi siya makadelihensya dahil computerized na ang sistema. First window, cashier. Second window, renewal form. Third window, approval. Pag lingon mo sa kanan, clinic. Sa kanto, drug testing center. Sa over-all size ng place, kasinglaki lang siya ng isang tindahan sa Festival Mall.

So una, fill-up ako ng form. Hindi ko mabandera ang maganda kong hand writing dahil walang mesa at sa very dependable monoblock bench ako nagsulat. Tapos sa medical exam naman na walang ginawa kundi kunan lang ako ng blood pressure at i-check ang aking eye sight. Tapos bayad ng 100 pesos. Dati yata mas mura ang binayad ko. 50 pesos? Ang pinagtataka ko lang (and the rest of the beautiful Alabangers) ay kung ano ang punto ng medical exam. Bawal bang magmaneho ang taong high blood? Bawal bang magmaneho ang taong hindi perfect vision? Para saan yung 100 pesos na fee? Sa ilaw at aircon na kinasawsawan ko nang limang minuto? Pero in fairness, mabait naman si Doktora. Maayos siya magsalita. Next stop, drug test. Pagpasok ko pa lang sa kwarto, as expected, kabakyaan galore. As in ang ingay. Hindi ko alam kung sino ang doktora, sino ang nurse, at sino ang tindera sa talipapa. Anyway, mabilis naman ako doon. Napa-wee-wee din naman ako 2 minutes after I got my little plastic bottle. And about 10 minutes later, I got the results na. Magaling naman pala sila sa multi-tasking. Kahit na lagpas na sa hearing capacity ng tao ang ingay ng ka-jologan nila, nagawa pa rin nila yung trabaho nang mabilis. Siyempre negative ang lumabas. 250 pesos ang singil. Aba, last time nagpa-renew ako ng license, 300 pesos ang singil para sa aking wee-wee. Mas mura pala ang ihi ko dito. Hmmm... ang labo ah. Mas mahal yung medical exam. Mas mura ang drug test. Ganito din kaya sa ibang parte ng Pilipinas?

Last stop, approval. Inabot ko lahat ng documents kay Manong Sungit. Sunod, pose daw ako sa harap ng camera. Asenso sila, ha. Canon powershot A300 ang digicam nila. Sunod, punta ako ng cashier window (siyempre, mukha nanaman niya ang nakita ko) at nagbayad ng 232.80 pesos. Actualy, 233 pesos ang siningil sa akin pero hinayaan ko na lang. Tip ko na lang sa kanya yung 20 centavos. And 10 minutes later, may bago na akong driver's license! Yehey! And as usual, mukha nanaman akong chekwang bangkay sa picture ko. Kulang na lang hurnahan ng siopao at siomai sa background.

*****

Ang lamig-lamig ng ulo ko ngayon. Kase pagkatapos ng expensive adventure ko sa (mini) LTO, nagpagupit ako ng buhok. Usual semikal haircut.

"Kuya, sa number 2 shaver, ha?"

And usual barbero.

Parang naku-kyutan na ako sa barbero ko. Hindi naman kase siya chaka. Hindi pa mayabang. Tapos ang puti-puti pa niya. Medyo oldie nga lang pero... nasabi ko na bang hindi siya chaka? Pagdating ko sa barbershop, naka-topless lang siya. Hindi naman ka-laglag boxers ang katawan niya pero parang pati katawan niya cute din.

Napapahilig na rin yata ako sa mga ER. BarbER.

*****

If I will still have the strength, I will go to cavite tonight to visit my Mr. M. Miss ko na kase, eh. Kagabi sa gym, may tumabi sa akin sa threadmill, ka-amoy niya si Mr. M. Tapos pagkauwi, nanood ako ng porno sandali tapos yung isang guy dun ang ganda ng pwet parang kay Mr. M. Tapos kanina, pagkagising ko, nag-swimming ako gamit ko yung board shorts na regalo sa akin ni Mr. M.

Haaaaaaaay.

*****

Putek. Saan ba ako nagpupupunta at parating walang gas ang kotche ko?

martes, junio 21, 2005

Nagsasawa

Ugali ko na ang madaling magsawa sa kung ano mang pinagkakaabalahan ko. Noong bata ako, natutunan kong mag-piano, at pinag-sawaan din ito. Kinahiligan ko ang mag-sulat ng mga maiikling kwento, pero hindi ko na rin itinuloy. Natuto akong gumawa ng graphics, pinagsawaan ko din. Pinag-aralan ko ang HTML, pinagsawaan at kinalimutan din. Na-aliw ako sa Ragnarok, pero ilang buwan lang ako naglaro. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Hindi ko alam kung anong magpapa-aliw sa akin pantawid sa kainipan.

I need a hobby.

At para bang nagsasawa na rin akong mabuhay. Siguro naiingit lang ako sa ibang tao na may excitement na dumadaan sa bawat takbo ng beinte-kwatro oras. Totoo, lagi kong inaabangan ang pagdating ng weekend. Lagi kong kinasasabikan ang pagdalaw ng Sabado. Nakakasawa nang laging naghihintay. Dadating, mawawala, maghihintay at dadating muli. Hanggang kailan na lang ganito? Tumatanda na ako, hindi pa rin ako masaya. Sampung taon mula ngayon, ganito pa rin kaya ako?

Wala rin naman ako patutunguhan. Ibig ko sabihin, hindi ko balak mag-asawa. At baka mamatay lang ako ng allergic reaction sa babae. Hindi ko rin balak magkaroon ng anak at magpadagdag pa ng problema. Kung ang magiging rason ko lang sa pagkakaroon ng anak ay ang seguridad na may mag-aalaga sa akin sa aking pagtanda, mas gugustuhin ko pang magpakamatay na lang kaysa abalain pa ang buhay ng iba.

Mag-drugs kaya ako? Para naman may ma-kwento akong "ah... nasubukan ko nang mag drugs. Saraaaaaaap, grabe!" Ang boring kase ng buhay ko, eh. Ni hindi pa ako nakakapatay ng pulis. Ni hindi pa ako nakaka-kain ng palaka (lasang chicken daw?). Ni hindi ko pa ako nakakapag-drive papuntang Baguio. Ni hindi pa ako nakakapaglakad sa abenida sa kalaliman ng gabi. Ni hindi pa ako nakakapunta ng Boracay!

Kailangan bukas, may maisip na akong mapagkakaabalahan na pangmatagalan. Ayoko na nang ganito. Baka ilang buwan na lang, mababaliw na ako!

Kung saan-saan na napadpad ang sinasabi ko. Kailangan ko na nga sigurong gumising.

lunes, junio 20, 2005

Bad mood

My hours haven't been good to me today. Work sucked big time. My brain wasn't collaborating with my mood either. Ha! The only good thing for me today was the taste of crispy chicken skin from Max's Fried Chicken. That's the only chicken part I like from their friend chicken. The rest has always been dry. Edible only with the aid of ketchup. KFC pa rin! YUN ang sarap to the bones!

I took some pictures again. This time during lunch, and work. I was with my Mom and she probably thought I have gone idiotic with my camera. Lalo na at the restaurant. Kuha dito, kuha doon.

ANYWAY, since I was especially grumpy today, I pigged out on Tortillos and cheddar dip as soon as I got home. It was bad. I finished the whole family sized bag.

* Sigh

I wonder what happened to me. Biorhythms? Totoo ba yun??? Soon after dinner, I went to the gym and huffed myself on the threadmill. Kaya ngayon, bad mood na, pagod pa ako. Sana mahimbing ang tulog ko nito mamaya. AT LEAST man lang. Please lang.

domingo, junio 19, 2005

1 + 5 + 2

And as planned, Mr. M and I watched Batman Begins last night. Bagsak namin sa Festival Mall since most of the earlier and favorable scheds in ATC have been taken. Uhm..... I wouldn't go crazy over that movie. I wouldn't trash it either. Excellent over-all production, tho. And I will definitely get a DVD copy of it when it comes out a few months from now.

After the movie, we went to Ortigas to meet up with Superspy and his friend Prof. A. We were supposed to watch the Fête de la Musique event. But apparently, when we were already on our way to Ortigas, Superspy texted that they're going to their hangout bar a few streets away from Greenhills. We followed and met up with Superspy, Prof. A and their friends. First time to meet the controversial Prof. A. He's nice naman. Fun guy, actually. We all played Black Jack until we ran out of paper for tallying.

Ganda sa Pasig/Ortigas/Greenhills (Hindi ako sigurado kung saang banda na kami napadpad kagabi). Daming nice cars! I saw a Dodge sedan that I viewed on Yahoo Autos some weeks ago. At ang daming cars na naka-set-up! I love their mags. Basta, galeng. People should take me out of the province of Alabang more often.

One Cruisser Ice, 5 SMB light and 2 shots of (free) tequilla later, my brain was swimming in alcohol. Sheht. Sarap. And I was too not-myself-but-not-so-shy to ask Superspy about Prof. A.

"Superspy, white smoke?"

At white smoke na nga! 2 weeks na raw.

One downside of being happily drunk is that you will only have patches of memory the next day. And I don't remember paying for my booze last night. But Superspy says that I paid for our table's bill. And I don't remember doing that!

Putek. Delikado ako nito. Hmmmm...

Which reminds me... I broke my vow to quit drinking. One bottle lang dapat ako last night. But there was something with the beer that made me order for more. Basta, ang sarap. Nung una, hiya pa ako kina Prof. A. But then, since everyone was drinking naman, kuha na rin ako.

At kumuha pa...

At kumuha pa...

Haaaaaaay saya.

viernes, junio 17, 2005

Hello Garci?

Send in the clowns.

It's a crazy time for Philippine politics. So, everyone wants GMA to react about the recent allegations against her. And militant groups and the opposition party (who is sponsoring this latest brouhaha) want her (and Kabayan Noli) to resign.

... then what?

Proclaim Susan Roces or,

* gasp!

Loren Legarda as the new President?

Obviously, it is GMA talking in those taped-tapped conversations. How could you miss that voice (unless si Ate GLOW pala yun. Ehehe ehehe). But I don't think she will either admit or deny the charges. I mean... what for?

I think it's a lose-lose situation for everybody. Kaya iyak na lang ako.

And while everyone is feeling so bad for the country right now, i-download at makinig na lang sa latest ringtone ng bayan.
And the week that was...

I'm happy to report that I have been using... or rather, practicing taking picures with my camera lately, focusing more on macro shots. It's just frustrating that my camera isn't powerful enough to do more detailed macro shots. I think I will sell my current Powershot and get a prosumer level camera. Or, I could hope that my Mom will get me a powerful camera for my birthday.

Asa!

Joaquin inspires me so much to go on with my interest in photography.

*****

For 2 nights now, I have been doing one-hour runs on the threadmill. Now, I'm not so sure if this is something unhealthy, improper or even dangerous, and I know some people who run almost every day but don't have any complaints of injuries or whatsoever. Well, actually, I don't know them PERSONALLY. They're friends of friends of friends and I know they're alive and kicking. My point is there are people who run everyday. Period.

ANYWAY, after 2 nights of regular cardio workout, I feel great. Uhm... that's all I wanted to say.

*****

Mr. M surprised me last night by showing up at the gym. Well, he has been giving me hints the whole afternoon that he was gonna workout in Alabang at night and I was just playing deadma about it. And when he greeted me at the parking lot, I acted surprised. Hihihihihi. Feeling girl talaga ako. Pakipot nang pakipot, wala namang pekpek. Hihihihihi. Sweet talaga ng BF ko!

*****

It's a weekend once again!

*****

I'm hoping to see Batman Begins tomorrow with Mr. M.

*****

Hmmm... it seems that I'm missing some shirts again. It's either someone has been KLEPTONIZING my shirts or I left some of them at the laudrymat. Oh no!

I need more normal looking shirts.

Time to shop shop shop!

jueves, junio 16, 2005

Good grief!

Charlie Brown
You are Charlie Brown!

miércoles, junio 15, 2005

Tumaas ang mga balahibo ko

As of this writing, there's a shadow moving outside my room. It's windy and raining outside but all the windows are closed so I'm definitely sure that the living room curtains are not making the running shadow. My bedroom door is wide open that's how I could see what's happening outside my room.

Ay teka.

Sheht.

Bukas pala mga bintana ko at mga kurtina ko pala yung gumagawa ng mga anino.

Ehehe ehehe. Sorry.

ANYWAY. My Mom and Dad left about 10 minutes ago to catch the 5:20pm screening of Mr. And Mrs. Smith. Sabi ko kase it's a funny movie. And besides, my Mom wants to see Brad Pitt and my Dad wants to see Angelina Jolie. I forgot to tell them to take the Mindanao gate to skip the traffic outside our village. But... ho-hum. They're using a 4x4 anyway and knowing my Mom, malamang i-uutos pa niya sa driver na i-rampa ang kotche sa sidewalk!

back-out at angal

Balak ko sanang maghanda sa bahay para sa aking birthday. Simpleng dinner lang naman sana. But since mukhang hindi balak pumunta ng mga straight friends ko, di ko na lang itutuloy. Puro mga kaibigan kong bading at mga nagpapanap na bisexual lang ang makakapunta. Baka ma-eskandalo pa ang nanay at tatay ko kapag makita nilang puro lalake ang mga bisita ko. Lahat Karamihan cute. Lahat Marami ang maganda ang katawan. Lahat Ang iba naka muscle shirt. At lahat walang "girlfriend." Patay tayo diyan.

Hmph!

*****

Hindi ko na maintindihan ang katawan ko. Minsan mataba ako. Minsan naman mas mataba ako. Ayoko na tuloy pumunta sa beach. Itatago ko mo muna ang bago kong board shorts hanggang sa maging size 28 or 29 na ang bewang ko (goood luuuuuuuck na lang sa akin).

:(

Well, sa dalas ba naman dumalaw ng ulan at bagyo lately, di naman siguro tamang pumunta pa ako sa beach. Sa mga taong adorable and portable na tulad ko, madali akong tangayin ng hangin.

*****

Wala nanamang gas ang kotche ko. Buysit. Haaaaaay.

Dati, nung college ako, NOT TOO LONG AGO, halos one minute ang magpa-fill up ng 200 pesos na gas. Ngayon, my gulay, less than 30 seconds pa lang, naka 1,000 pesos ka na sa gas! Ang lupit ng life!

Panahon na para maging free loader. I need rich friends! Hehehehe.

*****

Traffic ngayon sa Zapote, hindi ko alam kung bakit. Kung dahil sa ulan, eh grabe naman kung ganun. Kagagaling ko lang sa labas para lang magpa-laba. It took me almost one hour to go to and from the laundry shop. At nasa BF Homes lang yun, ha?

*****

Ayan, lumalakas na ang ulan. Sana wag akong tamarin mag-gym mamayang gabi. Motivation: ang beel-beel.

Pwede sana akong mag-swimming na lang kaso mukhang na-discover ng mga ipis kagabi na hindi talaga sila masyadong malulunod sa tubig basta nakalutang lang sila. Kaya ayan, nagpi-pyesta sila sa swimming pool.

Yaaaaack!

Sana hindi din matutunan ng mga linta dito na pwede din silang sumisid! Kung mangyari yun... Mas yaaaaaaaaack!

martes, junio 14, 2005

Sleeps with butterflies
Tori Amos

Airplanes
Take you away again
Are you flying
Above where we live
Then I look up a glare in my eyes
Are you having regrets about last night
I’m not but I like rivers that rush in
So then I dove in
Is there trouble ahead
For you the acrobat
I won’t push you unless you have a net

You say the word
You know I will find you
Or if you need some time
I don’t mind
I don’t hold on
To the tail of your kite
I’m not like the girls that you’ve known
But I believe I’m worth coming home to
Kiss away night
This girl only sleeps with butterflies
With butterflies
So go on and fly then boy

Balloons
Look good from on the ground
I fear with pins and needles around
We may fall then stumble
Upon a carousel
It could take us anywhere

You say the word
You know I will find you
Or if you need some time
I don’t mind
I don’t hold on
To the tail of your kite
I’m not like the girls that you’ve known
But I believe I’m worth coming home to
Kiss away night
This girl only sleeps with butterflies
With butterflies
With butterflies
So go on and fly boy

Mga Kababawan for today.

Ganda ng computer fonts ko ngayon. Smooth texts na lahat. This is like reading a page of a magazine. Sarap sa mata! Instead na edgy yung letters, very crisp na sila ngayon. Ngayon ko lang na discover. Hehe. Actually, nalaman ko lang through my iPaq. Smooth texts na rin yung mga font sa iPaq ko and it's called "ClearType." O heto. If you have a Pocket PC, go to Settings and then click on the System tab. Then tap on the Screen icon. Tick on the the Enable ClearType box, tap OK then reset your unit. Tapos smooth edges na ang mga fonts mo! I figured that if this is possible with Pocket PC, siguro pwede din ito sa Windows XP. Kase, di ba, parehong Microsoft products? So.... basta, may connect.

On my Windows XP, I searched for "ClearType" at the Help and Support Center at heto ang lumabas:

1. Open Display in Control Panel.
2. On the Appearance tab, click Effects.
3. In the Effects dialog box, select the Use the following method to smooth edges of screen fonts check box.
4. Click ClearType in the list.

So, ayan na nga. But this setting is only appropriate for portable computers and flat screen monitors. Otherwise, it will be blurry on ordinary computer monitors.

*****

May bago akong printer! Weeeeeeeee!!!!!!!



It's an HP PSC 1315. And oh... FYI... PSC stands for Printer-Scanner-Copier. Ang taray! And it's small ha, for an inkjet MFP. It's not an impressive printer, actually. I mean, it takes like a whole bathroom time just to make a 1-page copy of a document. Sorry, that's just an exaggeration. But you know what I mean. Printing time is so-so. Some people find it too slow (pero minalas lang yata siya sa test product na nakuha niya... mine seems to be working great). But it's alright with me. And it's an inkjet MFP (Multifunction Product)! For less than 5k, how could I go wrong??

domingo, junio 12, 2005

Anong nanyari?

As if it isn't obvious yet, the country is in serious shit right now. What the heck happened? Okay. I'm worried. I'm only twenty- five and...

[kulog!]

[kidlat!]

[lindol!]

[tsunami!!!!!]

Ay, sorry po, sorry po! Hindi na po ako magsisinuwaling! Forgive me, hindi na po mauulit! Huhuhuhu...

As I was saying... I'm only in my late-twenties and I dunno where and how my life is going to be ten years from now with all the crap that's going on with our society and our government. What the hell happened to our people? How did it come to this? This is not Manila anymore. This is South America! I'm seriously considering of NOT having a kid anymore. If making a living in this country will be a problem for me, then having a kid at the same time in this society will be like... an everyday migrane. I am scared. I am angry. And I, and the rest of the few good people, feel helpless.

So, to spare me from this problem, I'd like to die before I reach the age of 30. Mister DJ, pwede bang mag-request?

viernes, junio 10, 2005

Nota

5 years old ako nung dinala ako ng nanay at tatay ko sa isang jazz piano concert sa CCP. Hindi ko alam kung bakit ako isinama doon. Wala namang cartoons o kaya palabas na pambata. Pero pasalamat sila, wala akong tantrums nung gabing iyon. Napabilib ako sa pagtugtog ng pianista. Pero mas lalo ako namangha sa ganda ng tunog ng piano. Kumpleto. Malinaw. Napagsasabayan.

Sumunod na araw, sabi ko sa nanay ko gusto kong matutong tumugtog ng piano. Makalipas ng isang linggo, dumating na ang piano ko. Isang maliit na upright piano na tamang-tama lang sa maliit na bahay namin. Sumunod na buwan, nag-aaral na akong mag-piano.

Si Mrs. Umali ang una kong piano teacher. Pag-dating sa ugali, iisa lang ang masasabi ko tungkol sa kanya. PUTANG INA NIYA. Tuwing piano session namin sa bahay niya, wala na akong narinig sa putang inang babaeng ito kundi pagmumura. At sinong minumura niya? Ako! Tangina.

"Putang-ina, ayusin mo yang daliri mo!"

"Putang ina, curve your fingers!"

"Putang ina, no slouching!"

At kapag mapapalayo yan sandali para mag-timpla ng kape, tuluy-tuloy pa rin ang bunganga niyan kahit nasa kusina na.

"Puuuuutang ina ayusin mo yang pagtugtog mo. Baka akala mo hindi kita nakikita lintik kang bata ka. Ayusin mo yan, ayusin mo yan! Putang ina."

Kung minsan, kapag nagkakamali sa pagpindot sa piano, ayan yung papaluin ang kamay ko ng pamaypay. Mabuti sana kung pamaypay na abaniko. Kaso mo, yung pamaypay sa yari sa makakapal na kahoy. Yung gamit ng mga lola. Masakit ha.

Hindi naman ako makapag-reklamo. Takot ko lang. Eh, sa edad ko na yun, hindi ko naman alam ang ibig sabihin ng putang ina. Hindi naman nagmumura ang mga magulang ko (kahit na gaanong gitil na sa akin) kapag kaharap ako. Ang alam ko lang, hindi maganda ang sinasabi niya, at masungit siya. Siguro frustrated siya at may anak siyang kambal na Assumptionistang asal puta. Siguro frustrated siya na bum ang asawa niya. Siguro frustrated siya at mukha siyang baboy.

Sa umpisa, excited akong pumunta sa bahay ni Mrs. Umali. Nung tumagal-tagal na, nawala na. Para bang pumupunta na rin ako sa eskwelahan nang sabado. Nakakabuysit. At kahit na ganun, ako pa rin ang naging pinaka-magaling niyang estudyante. Hindi sa na-challenge ako sa kanya. Wala lang. Talagang talented lang ako. Harharharhar.

After three years, Lumipat kami sa Alabang. Ang akala ko hindi na ako magpa-piano lessons. Ang akala ko natakasan ko na si Mrs. Umali. Pero, o hindi. Siya pa rin ang piano teacher ko. Every saturday morning, pumupunta siya sa bahay mula sa Parañaque, at ang asawa niyang bum ang nagdi-drive para sa kanya. Kung minsan, kasama yung dalawa niyang punyetang mga anak na mayayabang. O, ha? Nakakaloka ang set-up.

Pero hindi din yan nagtagal. Less than one year yata. Nalayuan yata sa Alabang. Ang sabi ng yaya ko nag-away sila ng nanay ko kaya hindi na biglang nagpakita. Tungkol yata sa fee. Harharhar. At nawala din si Mrs. Putang Ina.

Ang sumunod na teacher ko ay si Mrs. Yaneza. Ilang bloke lang ang layo ng bahay niya mula sa bahay namin. Opera singer yata siya nung panahon nina Marcos kaya soprano galore siya habang tumutugtog ako. Gustung-gusto ko si Mrs. Yaneza kase mabait siya. Natauhan tuloy ako na si Mrs. Umali lang yata ang piano teacher na may katok na nagmumura ng estudyante niyang bata. Pero napansin ng nanay ko na wala ako masyado natututunan.

"Eh siiiiiiingerrrr naman yan eh, hindi piano tiiiiicherrrrrr...," sabi pa niya. Kaya after another 2 years, may bago nanaman akong piano teacher. Si Mrs. Ramos.

Meron nga palang kaibigan ang nanay ko na taga-Amerika na matandang dalaga, si Tita Rochelle, na may baby grand pianong naiwan sa bahay niya sa Manila. Binigay niya ito sa akin at pina-restore ng nanay ko. Kase naman panahon pa ni Jose Rizal ang pianong ito at nagkanda tuklap-tuklap na ang mga Ivory keys. Nung una ayaw ko sa pianong ito dahil sa sobrang tanda, baka may kasama nang multo. Natandaan ko tuloy yung Haunted House sa Big Bang sa Alabang. Grabe yung moo-moong nagpi-piano doon. Hinabol ako! Anyway, no choice din naman ako kase bata lang naman ako. Tapos ako na nga ang binibigyan ng regalo, tatangihan ko pa. So ayun. Nasa gitna siya ng living room at takut na takot akong lumabas ng kwarto ko kapag gabi at baka may makita pa akong naka-upo sa piano ko.

By this time, sawa na akong mag-piano. Kase naman puro na lang classical piano ang pinapatugtog sa akin. Hindi ako maka-relate! Napasabi tuloy ako sa teacher ko, "hindi ba ako pwedeng tumugtog ng piece na kapanahunan ko?" [sungit, sungit, sungit, sungit]. Natawa si Mrs. Ramos. Pinayagan niya akong bumili ng mga modern pieces. Pero... mas lalo palang mahirap!

Cool si Mrs. Ramos. Kasing edad niya si Mrs. Yaneza pero mas bata siya kung kumilos. Feeling ko hippie siya nung 70's. Ganun lang ang dating nilang mag-asawa.

Bawat isang piece ng Sonatina, iniyakan ko. Ibang feeling ng accomplishment kapag na-master mo na ang isang piece na pagkahirap-hirap tugtugin, na halos magkanda tali-tali na ang mga daliri ko sa sobrang bilis ng tempo. Ang problema lang sa akin hindi ko kayang magmemorize ng isang piece. At nang matutunan ko na ang halos kalahati ng libro ko ng mga Sonatina, sinabi ko na sa nanay ko na ayoko nang tumugtog ng piano. Mas gusto ko nang gamitin ang sabado ko sa iba pang mas importanteng bagay. Tulad ng pakikipag-laro sa mga kaibigan.

Medyo na-bad trip sa akin nanay ko. Biruin mo nga ba naman, ilang taon din akong nag-aral ng piano tapos biglang isang araw, ayaw ko na. At may baby grand piano pa ako! Pero hindi na ako talaga masaya eh. Tapos ang sungit-sungit ko pa. So, doon nag wakas ang aking biyahe kasama ang mga nota (hihihihihi.... natawa ako sa "nota." Hihihihihi).

Hindi ko na kayang tugtugin ang mga Sonatinas, o kahit na anong piyesa na tinutugtog ko dati. Pero pa minsan-minsan, kapag walang magawa, kapag walang tao, pinupuntahan ko ang piano ko at kinakapa-kapa nang kaunti ang mga piyesang dating natutugtog ko. Mapapabuntung-hininga ako't sasabihin sa sarili, "Haaaay salamat. Wala na si Mrs. Umali. Putang ina niya."

click


More of these pics in my phlog.

miércoles, junio 08, 2005

No first day funk

Noong nasa kindergarten pa ako, sobra ang takot ko sa eskwelahan. Hindi na ako sigurado pero parehong pre-school at kindergarten yata sa South Merville School ako nag-aral. At tuwing first day of classes, hindi ako makapag- first day funk dahil sa gate pa lang, nakakapit na ako na parang linta sa bewang ng yaya ko. Ang natatandaan ko, takot akong maiwan sa isang silid na punung-puno ng mga bata na hindi ko kilala. Lahat naman kami, eh. Pero ako... OA ang acting ko. Daig ko pa ang batang tutuliin. At isa pa, kinakatakutan ng mga cute na mga batang katulad ko si Mommy Cura, ang may-ari ng eskwelahan, na sampung metro pa lang ang layo mo mula sa gate masisilayan mo nang naka-pamewang siya't nag-aabang ng mga batang late pumasok ng school.

Nang una kong makilala si Mommy Cura, may isa akong tanong na kahit kailan hindi nasagot. Bakit siya tinawag na Mommy Cura, eh mas mukha naman siyang Lola? Ang sungit-sungit pa ng mukha.

Tuwing first week ng school, iisa lang ang drama ko araw-araw. Tutulakin akong papasok ng gate ng yaya ko habang hinihila ako ng teacher ko sabay iyak na "yayaaaaaaaaaaa... ayokong pumasoooooook! Huhuhuhuhuhuhu."

[hikbi]

[hikbi]

[hikbi]

Hanggang sa dumating ang araw na tatay ko na mismo ang naghatid sa akin sa school. Eh, alanganin naman kumapit pa rin ako sa bewang ng tatay ko. Sa amin kase, habang within hearing distance pa rin ang tatay ko, bawal ang iyakan at kadramahan (kaya bawal manood ng Yagit, Flor de Luna at Anna Liza). Pwede pa sa bewang ng nanay ko. Pero sa tatay ko? Kelan ba natin naging kakampi ang tatay natin? O, ha? Doon na tumigil ang kaartehan ko. Na-realize ko din na tao din pala ang mga kaklase ko. Hindi mga batang zombie na pinatay ng Bumbay na kwentong ginagawang panakot sa akin ng yaya ko kapag ayaw kong matulog sa hapon.

Ang nakakatawa dito, ganito pa rin ang ugali ko kahit na nung prep at grade 1 ako sa Don Bosco Makati. First day ko sa Don Bosco, binuhat pa ako ng driver kasama ang nanay ko at hinatid sa classroom ko. Tumigil lang ako nang mapansin kong nakatitig sa akin ang mga kaklase ko na para bang bisita ako mula sa ibang planeta. Nakakahiya!

Ganun pa rin ang kwento kahit nung Grade 1 ako pero one day lang ang tinagal ng drama ko dahil salbahe mga teacher sa Don Bosco. Namamalo at pinagmumura ang mga bata.

Kung minsan, parang ganito pa rin ako hanggang ngayon. Hindi yung nagwawala at kumakapit sa yaya, ha. Yun bang may kinakatakutan pero hindi alam kung ano o bakit. Minsan, ang dahilan ng takot ay ang kakulangan sa kaalaman. Pero kahit anong pagtakas o kadramahang gawin mo, sasalubong at sasalubong pa rin ito sa iyo at wala kang magagawa kundi harapin ang mga kinakatakutan mo. Kung pipilitin mo mang takasan, hindi ka rin magiging masaya sa buhay mo.

-
-
-

CHIKA! Ala-Charo Santos ba?

ang baboy ko!

domingo, junio 05, 2005

In passing

RD and I had coffee... or rather, TEA... at The Coffee Bean in ATC a little after my dinner with the family. As we were blabbing about a thousand things, while he amazingly reviews at the same time for his refresher exams tomorrow, he mentioned in passing that his Dad died just less than 2 months ago.

I was shocked.

I was stunned.

I was speechless.

And for some sourceless guilt's reason, I kept on saying sorry to him. I really was sorry for bringing it up. It must have been more serious than his break-up with his boyfriend. I think I said a thousand sorry's until he tapped me on the head with a fold of paper to shut up. That's the problem with me. If I don't have any good words to say to compliment a guilt, because I'm not gifted with words, I would mechanically say sorry over and over again.

Sometimes, I hate being me.

Hindi kami close but RD and I are good friends, kahit na wala pang dalawang buwan kaming magkakilala. Good enough para akbayan at sabihan na may kaibigan kang maasahang makikiramay sa iyo kung kinakailangan.

Ang senti. Sheht! Change topic.

*****

I told my sister-in-law over dinner that there's a "new" thing called mesolipo. Eh, pucha, naunahan na pala niya ako. Naka dalawang sessions na pala siya! React naman si Kuya at nanay ko.

Kuya: "Ha? Mesolipo? Kailangan mo ba???"

Ako: "Oo. Kapag nagsi-swimming kase ako hanggang bewang ang linulutangang ko kase may salbabida ako." (Of course, that was a joke)

Mommy: "'Wag mong gawin yan! Baka mamatay ka!"

Ako: "Mommy naman. Ba't si Ate hindi naman namatay?"

Mommy: (isip konti tapos biglang sagot...) "Nagsisimba siya kaya hindi siya namatay. Ikaw, hindi ka nagsisimba kaya delikado ka!"

>end of topic<

I almost forgot...

I now got retainers! Honestly, I was hoping for another torturous relationship with dental braces (I had them when I was a kid) para pa-cute at kunwari 10 years younger (hihihihi) but my dentist and my ortho say (mag-asawa kase sila) that it's not necessary. I went for my regular check-up on my pearly whites last wednesday and my dentist noticed some gaps between my teeth (upper jaw). She suggested that I get retainers. And 2 hours later...

Image hosted by Photobucket.com

Harharharhar. Pwede na ba ako mag-audition para sa Shutter part 2?

(Of course, you're intelligent enough to know that I edited this picture... uhm, right???)

Shutter et al.

When I was watching NGIINIG the other night, the show would promote this horror flick from Thailand called SHUTTER, being shown in some cinemas right now in the metro, every commercial break. Being a horror flick chaser that I am (pero duwag naman), I got interested in seeing that movie... kahit ba mapagod ako sa kababasa ng sub-titles.

Mr. M and I were having dinner at Pancakehouse in Ayala Alabang branch when I remembered about my intent to watch Shutter while looking at the movie posters hanging on the walls. I checked on Clickthecity.com on my Globe WAP (o, di ba? i-adversite ko pa. Ehehe ehehe) to check on the movie scheds.

We watched it at the Festival mall. Di na ako nagulat na hindi puno yung theater. Konti lang naman yata nakaka-alam about the movie. ANYWAY, it was a good enough horror movie. Ilang beses din kami nag-duet ni Mr. M sa kasisigaw. And I wasn't sure if the audience was laughing at themselves after screaming at a shocker scene or at us at the way we scream like daisies. Harharhar.

After all that screaming and laughing made us exhausted. We just cuddled in bed the rest of the night. It was nice.

*****

I bathed my dogs this afternoon (just when I was sure that the sun was gonna come out) and I had a hell of a time because of my injured finger. Wala na pala silang doggie shampoo. Kaya ang ginamit ko yung shampoo na nasa banyo near the swimming pool. Yung Rejoice! Kaya ang buhok nila ngayon maabango na, wala pang sabit! Pwede na nila sabayan si Sandara sa kasasayaw.

Arf! Arf!

*****

The family is eatting out for dinner tonight. Wala na kaming cook. She went back to the province. Kaya... wala na akong merienda. Waaaaaaah!!!!

*****

Ngapala, I did some shopping again yesterday afternoon sa aking suking tindahan sa ATC and sana... super SANA to the maximum degree... magamit ko na nang matagal ang mga pinamili ko. Kase ang nanyayari after about 3 washings parang hindi na nagkakasya yung ibang mga damit ko. Now I dunno if my clothes shrunk... or if I've gotten fatter. But either case, it BAAAAAD. And this belly problem is not get any better, ha. Lalo na ngayong hindi ako pwede munang mag-gym while my finger is still "not in order" (parang banyo?).

No more siomai (but keep the Chinese boys comin'! Oh ho ho ho ho yeah!). No more fries (Sorry McDo, pero friends pa rin tayo, ok?). No more lechon (nagmumukha na akong lechon... or at least yung beel-beel ko lang). No more pork adobo (oh, how I love adobo... Mmmmm....!). And no more alcohol for me (Vodka brothers... you will be missed. Hail to Russia!). Huhuhuhuhu. Ang lupit mabuhay sa mundong ito! Huhuhuhuhu.

Saan ba mas mura ang mesolipo????

jueves, junio 02, 2005

Random

After seeing Madagascar last saturday, Move It has become my everyday song... next to Milk and Cereal (ehehe ehehe). And the guy behind the voice of King Julien is Sacha Baron Cohen. If you're not familiar with that actor, maybe the name ALI G (from Da Ali G Show fame) might ring a bell.

O, ha?

*****

I broke my left pointer finger last three nights ago and it hurts a lot! Kaya hindi rin ako maka post. Kase hindi ako maka-type! Anong nanyari? Simple lang. Naipit finger ko sa bathroom door sa kamamadaling saguting ang telepono ko. Ayan, nangitim na nail ko. Yak! I had my finger checked yesterday at the village clinic and the doctor said she couldn't do anything about it na. Had I put ice on it right after the accident, it would have healed faster. Eh sa katangahan ko, tinulugan ko na lang yung sakit. Siguro nakatulog lang ako kase hinimatay na ako sa kirot. Maghe-heal na lang daw ito pero matagal. Waaaaah!

I can't go to the gym kase kumikirot kapag tumatakbo ako. Mas lalong di ako pwedeng magbuhat. I can't swim either. Lolobo nanaman ako nito! Babawas-bawasan ko na muna ang siomai.

Condolence na lang sa mga daliri ko dahil mamatayan yata sila ng kapatid na finger nail. Waaaaaaaaah!

*****

I'm still thinking of going back to the beach. ANY beach. Huling hirit, kumbaga.

*****

And since I've been hearing raves about this game called DotA, I think I'm gonna check it out this weekend. As long as it doesn't require a significant use of my pointer finger.

*****

Friday na bukas! Haaaaay. Thank God for weekends.

r u... feeseekahlee fit?

I like to move it, move it
I like to move it, move it
I like to move it, move it
Ya like to ("Move it")

Repeat 2 more times

(talking)

All girls all over the world,
original Mad Stuntman pon ya case man!
I love how all girls a move them body,
and when ya move ya body, and move it,
nice and sweet and sexy, alright!

Woman ya cute, and you don't need no make up,
original cute body you a mek man mud up. (x2)

Woman! Physically fit, physically fit,
physically, physically, physically fit
Woman! Physically fit, physically fit,
physically, physically, physically fit
Woman! Ya nice, sweet, fantastic
Big ship on de ocean that a big titanic
Woman! Ya nice, sweet energetic
Big ship on de ocean that a big titanic
Woman! Ya nice, sweet, fantastic
Big ship on de ocean that a big titanic
Woman! Ya nice, sweet, fantastic
Big ship on de ocean that a big titanic

(chorus)

Woman ya cute, and you don't need no make up,
original cute body you a mek man mud up. (x2)

Eye liner - pon ya face a mek man mud up
Nose powder - pon ya face a mek man mud up
Pluck ya eyebrow - pon ya face a mek man mud up
Gal ya lipstick - pon ya face a mek man mud up
Woman ya nice broad face,
and ya nice hip, make man flip and bust up them lip.
Woman ya nice an energetic,
big ship pon de ocean that a big titanic.
Woman ya nice broad face,
and ya nice hip, make man flip and bust up them lip.
Woman ya nice and energetic,
big ship pon de ocean that a big titanic.