Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

martes, abril 05, 2005

Ang LAKAS ng hangin ngayon sa labas! Para bang may bagyong darating na hindi ko maintindihan. Nagising nga ako sa ingay ng mga puno sa labas ng kwarto ko. Wala naman akong alam na bagyo. Kagabi pa ito. Pero kagabi naman, masarap pa yung ingay niya. Ngayon, ang lakas na. Parang kailangan kong kumapit nang mahigpit sa isang puno at baka ako matangay pa.

Conscience: Felipe!!!!!! Kumapit ka!!!!!!!

Felipe: Oo, kakapit ako!!

Conscience: Kumapit ka dali!!!!

Felipe: Nakakapit na!!!!!!

Conscience: Felipe!!!!!!

Felipe: Consensya!!!!!!!!!

Jack: Rose!!!!!!!!

Rose: Jack!!!!! I'm over here!!!!!!!

Jack: Rooooooooose!!!!

Rose: Jaaaaaaaaack!

Richard: Erika!!!!!

Erika: Richard!!!!!!!!!!

Pink 5: Bio Team, help me!!!!

Sisa: Basilio!!!!!!!! Crispin!!!!!!!!! Where are you my children???!!