Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

sábado, abril 30, 2005


I drove myself to the gym this afternoon, and I missed Robin. I remember everytime I bring him to the vet, or I take him for a ride around the village (since he's the most portable and well-behaved among my dogs), I would put him on the front passenger seat while I put all the windows down so he could have a better look at the world outside. But since he's still too short even when he's already standing on his 2 hind legs, he would go over at my side, sit on my lap and lean over at my window like a curious child. And because his position is a driving distraction, I would just put him at the little space on my left side and he would be contented. Sometimes motorists looking at my door window would have the impression that it's Robin driving the car.

I was at the dining room just a few minutes ago and I thought I saw Robin, with his fluffy hair, walking around the swimming pool looking for his squeeky ball. At one moment I thought he was standing right outside our full-screened door watching me drink a glass of water.



Robin's frst time to have long hair.

Robin's first hair cut.

Before I left the vet clinic this morning, I saw the blue leash with the bones and dogs design that I bought just for Robin a few months ago tied to the cage where he was confined. I was about to get it when I suddenly felt heavy in the chest. I almost cried. I avoided talking to the Vet. Baka lang kase tuluyang maiyak ako. I was just listening to whatever he was saying and nodded to every sentence. I paid the bill and drove myself home. While on the road, I called up Don2xt just to get comforting words from him. And I wasn't disappointed. I felt better.

Give me a few more days... or weeks... and I'll get over this. Thanks for reading up to this part.

Farewell my puppy

Image hosted by Photobucket.com
This is Robin as a puppy, fresh from the doggie shop.

Image hosted by Photobucket.com
This is him after his hair cut last February. I had his facial hair trimmed because he was having a hard time eatting and seeing with it in the way. He had a way of posing for the camera.

Image hosted by Photobucket.com
Robin from a distance.

Image hosted by Photobucket.com
Robin as his fluffy self.

Image hosted by Photobucket.com
I took this photo while on our way to the vet last Thursday. Apparently, that was his last trip to the vet and this is his last photo. He was confined for 2 days.

Robin was born on October 30, 2003. His registered name is Asih. But my Mom didn't like his name so she renamed him to Robin, after a previous dog.

Robin died today due to lyme disease which was aggravated by the bruises he developed from tangled hair. I'll be going to the vet after lunch to settle my bill.

Robin may not be the most adorable dog in the whole world, but he is STILL one adorable puppy. I will miss the way he sqeaks his squeeze ball. I will miss the way he harasses Dexter the labrador. I will miss him visiting my room (and peeing on my favorite rug). I will miss cuddling him and caressing his fluffy hair. I will miss walking him. And I will miss him accompanying me, sitting right next to me on the front porch while watching the stars at night.

I will miss you Robin. I hope you're now happy in doggie heaven.

O...M... G...

You know that new feature on Friendster that shows your horoscope for the day? Well, here's what mine says about today:

Today's Forecast

Someone who's not exactly from your neck of the woods is due to make quite a stormy, dramatic entrance into your world -- but they won't be unwelcome, no matter how disruptive their arrival. Fasten your seat belt.

The Bottom Line

Favor what your head tells you over your unruly emotions when making a big decision.

In Detail

If you're alone today, you might be in the mood to pull out your old scrapbooks and photo albums and flip through them -- and that's fine. Just don't get yourself too stuck in the past. It's over and done, and there's nothing but important new experiences on the way. Besides, you're due to meet someone who'll drag you right into the future -- and you can bet you won't be kicking, crying or screaming.

And what do I think about it? FREAKY!!!!! My gulay, this is so... trrrrrrr.....


Isang-libo't isang beses na papalit-palit ng posisyon sa kama, at halos alas-dos na ng umaga, hindi pa rin ako makatulog. Sa pagkakataong ito, alam ko kung bakit. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin siya.

Hindi ko talaga alam kung bakit. Hindi ko alam.

Hindi ko alam!

Sana mawala na ito dahil parang isang malaking katarantaduhan na. Kaibigan ko lang naman siya. Kaibigan lang din naman niya ako. Hindi ko maintindihan kung ano ang nag udyok sa puso ko na piliin siya. Sana pansamantala lang ito. Sana bukas o sa makalawa, mawawala na itong sagabal sa isipan ko.

May puso pala si Felipe.


Sa sampung minutong napahimbing ako...

Napanaginipan kong niyayakap niya ako sa kama.

Napanaginipan kong hinahalikan niya ako.

Napanaginipan kong sinabi niyang mamahalin niya ako.

Napanaginipan kong nangangako akong magiging tapat sa kanya.

Napanaginipan kong may nagpapahalaga sa akin.

Napanaginipan kong may tumatahan sa pag-iyak ko.

Napanaginipan kong masaya kaming dalawa.

Napanaginipan kong masaya ako.


Mahirap palang matulog nang gising. Pagkatapos mong yakapin ang akala mo'y katotohanan, magigising ka na lang sa tunay mong mundo. Mapapabuntong hininga ka. Malulungkot ka. Iiyak ka.


Sabado ngayon. Sana makita ko ang mga kaibigan ko mamayang gabi. Kailangan ko sila. Kahit makasama man lang. Kahit wala masyadong kwentuhan. Basta makasama ko lang sila. Gusto ko ng beer. Gusto kong sumaya.

viernes, abril 29, 2005

evening walk

Does this look like an abstract picture?

Hehe. That's my Mom taking her after-dinner walking exercise . I joined her and brought Max along.

That's Max at the bottom part of the picture. Can you see him? Ang likot kase, eh. :)

jueves, abril 28, 2005

Lihim na palihim

Kung minsan talaga masarap din umiyak, 'no? Lalo na kapag sobra na ang frustration mo. Tulad ng itinatago mong pag-tingin sa isang tao.

Gusto ko siya. Gusto ko talaga siya. Kaso mo hindi ko alam kung bakit. Dahil ang tulad sana niya ang iniiwasan ko. At hindi ko rin alam kung totoo. Dahil madali akong mabighani. At hindi ko rin alam kung talagang kaya ko, o talagang handa na ako. Dahil madali ako sumuko sa relasyon. At hindi ko rin alam kung makakahinga muli ako kung sakaling ako'y mabigo. Dahil ayoko nang nasasaktan. Ayoko nang umiiyak.

Takot na talaga yata ako magmahal. Up to the point na kinakabahan na ako kapag may nararamdaman na akong kakaiba para sa isang tao.

Hindi mo ito mababasa. Hindi mo ito maririnig mula sa akin. Pero sasabihin ko pa rin na sana sapat nang personal na akong humingi sa iyo ng paumanhin sa kung ano mang nagawa ko sa iyo na hindi kanais-nais. Dahil kung hindi mo ako mapapatawad, wala na ako magagawa. Siguro kababaliwan ko pansamantala... dahil, hindi mo lang alam... at hindi mo rin malalaman, minamahal na kita. Mula sa araw na nakita kita, minahal kita. Nang sinabi mong magiging mabuting magkaibigan tayo, minahal na kita. Nang inakbayan mo ako dahil kinailangan mong gabayan ako, minahal na kita. Nang ipinakita mo sa akin ang puso mo, sumuko ako... at minahal kita.

Ang ibon, kahit na gaano kataas kayanin niyang liparin, hinding-hindi niya kahit kailan maaabot ang tala. O, ang buwan. O, ang araw.

Seeing eye to eye

I don’t understand it when I talk to someone, I can't seem to continuously look at the person's eyes. Somebody once told me that it's impolite not to look at the eyes of the person you’re having a conversation with. I’m conscious of that but I still fail it miserably. Like when I talk to Jagard, I would look at his mouth. With RD, at his cheeks. With Doc Mike, at his bigote. AND with Mia, her breasts (girls, don’t panic. I’m still part of the RAINBOW connection. Ang laki lang kase talaga).

Maybe my reticent level is so low, I lose concentration when another person stares back at me, whether I’m having a conversation with this person or not. So much for picking someone up from a bar. Hmph!

Am I making sense here?

ANYWAY, Robin, my not-so-adorable Shih Tzu is confined again at the vet clinic. The bruises that he got from his hair tangling mishap still won’t heal. My Mom panicked big time when she saw drops of blood under his cage this afternoon. As in nagsisisigaw pa sa cellphone ko.

“FELIPE!!! Si Robin…!!! Malapit na yata mamatay…! May dugo…. MAY DUGOOOOOO!!!!!”

So I rushed back home just to check on him personally. And yeah, it has been a week since he had his hair shaved, his bruises aren’t getting any better. I decided to confine him at the clinic. First choise of vet clinic was Animal House since that’s where I had his hair cut and the head vet already knows the history of his bruises. But it was closed. The RCBC guard told me that the clinic staff went to the wake of the other vet who died. I was like…. OH YEAH. THE GUY WHO DIED IN FITNESS FIRST ALABANG. Tapos naging senti nanaman ako. Kase naman he’s only 29 tapos he’s dead na. Tapos…. Tapos… tapos…. Cute pa siya. Then I went to my dogs’ regular vet in BF Homes. It was a long ride but at least I know and trust the staff there. Mang Ernie, our new driver, was driving for me anyway. So ok lang.

The vet took a look at Robin’s bruises and checked for any bacteria that’s making them not heal. All clear naman. Still, I left him with them. I’ll be picking him up Tuesday next week to see any improvements. Sana gumaling na siya so he can grow back his beautiful fluffy hair.

miércoles, abril 27, 2005


Nakita ko si Rx kagabi sa gym. Actually, sa parking lot ng gym. Paalis na siya, papunta pa lang ako. Pero nag hi-hello lang kami. Para siyang wala sa sarili. Siguro may naka-do sa sauna. Ang cute ni Rx. Crush ko siya, promise. Parang ang sarap niyang.... ang sarap niyang... ang sarap niyang i-ulam sa double rice.

First time ko this year mag work-out nang gabi. From experience naman kase, kaunti na lang ang tao after 8PM. And true enough, maluwag ang gym. I only did cardio last night, ran for an hour, and that was it.

Shy pa ako mag-tanggal ng shorts sa locker room kase ang puti ng shorts area ko dahil sa tanned ang katawan ko. Haha. Kaya topless lang ang porma ko papunta sa shower cubicle. Pero kinilig ako nang makita ko na tinititigan ako ng isang cutie na yuppie. Trip yata ang summer color ko. Pero siyempre, na torpe akong mag response sa titig niya. Kaya nag-teleport ako agad sa cube.

* Shwwwiiiiiing! *

Pagkabalik ko sa locker ko, wala na si smiling yuppie pero may text naman si Rx.

"Punta ka dito sa BF. Lemme see your beautiful tan." na may triple smileys pa sa dulo

Grabe, kinilig ako. Hindi kase siya ganun mag text sa akin dati. For a minute there, feeling ko gusto niya akong halayin. Magpapa-halay naman ako. AHAHA AHAHA. Tangina, pokpok. So dahil sa may inaasahang excitement ako at the end of the Tirona street, lumusob naman ako kahit antok-antok na ako dahil halos 10pm na. Pagdating ko sa Starbucks sa BF, hayun nandoon siya... kasama si Rx-x-x. HAHA. Leche. Nag-aksaya ako ng kilig. Pero ok lang. Tatlo kaming nagfli-flirt-flirtan sa isa't-isa. Putek, sa Starbucks. Kapiling ng mga boring na straight na mga taong nagpapanggap na mga banal na katoliko. Ang scandalous pa nun ay nag-susubuan pa kami ng Oreo Cheese Cake! Sabi nga ni Rx...

"Pare, wala 'to, ha. Magkakaibigan naman tayo, di ba?"

Haha. Bakla!

Both Rx and Rx-x-x were supposed to review on some stuff for work pero hindi na natuloy dahil puro landian lang kami sa loob ng Starbucks. Tapos dahil sa naka shorts lang ako, hipuan ba naman ako ni Rx na halos hangang singit? Siyempre, kunwari ayaw ko. Tinatapik ko yung kamay niya. Kunwari kolehiyala. Demure ang drama pero nasa loob ang fire bomb ng landi. Kung ipinanganak akong may pekpek, 20 na siguro ang panganay ko sa iba't-ibang lalake na hindi ko man lang alam ang mga apelyido. Harharharhar. 11:30pm, suko na si Rx. Inaantok na raw siya. Nag-park siya sa loob ng BF at nag-offer naman akong ihatid silang dalawa: si Rx sa kotche niya, si Rx-x-x sa bahay niya na malapit lang naman.

Nang i-drop off ko si Rx sa kotche niya, aba bigla ba namang nagsabing gusto niyang sumama sa paghatid kay Rx-x-x para daw may kasama ako pabalik.

"Akala ko ba inaantok ka na?" tanong ko.

"Sige, ayaw mo yata ng may kasama, eh."

"Sige, sige, sige. Sumama ka na."

Hihihihi. Kilig. Parang bigla kong narinig tumugtog ang Muntik Nang Maabot Ang Langit ng True Faith. Panalo 'to, tsong. Gaganda ako!!!

Nag-good-bye kiss si Rx-x-x sa akin pagkahatid ko sa kanya, biglang sakay naman sa tabi ko si Rx sabay hawak sa kamay ko. Shehhhht. Major kilig to the BONES, pare. Trip pala ako ni Rx! Pero... O hinde... ayoko nanamang maging kabit! Pero naisip ko... ang sarap siguro maging kabit ni Rx. Para bang WILD flower. Alam mo yung ok lang na tinitinik ka basta maganda yung bulaklak? Ah ewan, ang labo.


So on our way back to Rx's car, nag-aantuk-antukan siya habang hinahawakan pa rin ang kamay ko, giving me the sign na pwede na kaming mag park sa tabi ng kalye ang maghalayan sa loob ng kotche. Hindi ko kaya ang powers niya! NAHIYA AKO. Sheht, sheht, sheht, SHEHT! Ay nako. Ba't ba ako ganito. Nagpapalandi ako pero duwag naman magpaputok ng bawang. After dropping him off sa car siya, pasaway ako sa reminder ng Nokia na don't text while driving:

Me: Oist! Gising! Ingat ka sa driving, ok? MUWWAAAAH!
Rx: Pare naman, bakit ngayon lang ang 'mwaaah' mo?
Me: Hihi. Sige, pwede pang bumawi.
Rx: Next time na lang ako babawi pero hindi lang 'mwaaah' ang sisingilin ko.


Humaba ang buhok ng mistress ng bayan.

Gym kaya ulit ako Thursday night? Hihihihihihihihi...

lunes, abril 25, 2005

boss, masadz?

I just got back from Puerto Galera and BOY OH BOY OH BOY.... I absolutely had a great time. Basta, galeng. Da best. Sorry, no pictures. Lagi ko naiiwan sa room yung camera, eh. I was with Jagard, Doc Mike and JJ. During the bus and boat rides going to Galera last Saturday, I was kinda spaced out kase I learned Through JJ that a DL and Friendster "friend" died the previous night while working out at Fitness First Alabang. And he's only 29, I think. It was just surreal kase I've seen the guy a couple of times at the gym and he's the vet who handled my dog Robin's hair trimming just last Wednesday. It's one of those instances that remind everyone na kahit kailan, sa kahit na anong edad, pwede kang mamatay. Grabe yang gym na yan. Minamalas talaga. Anyway, I don't personally know him, but I'm offering my prayers to Dexter Chavez. May he rest in peace.

Meanwhile... We arrived kinda late na kaya we couldn't find a good accomodation. Kase naman itong mga kasama ko naghahanap pa ng de-aircon! My gosh them, ha! Basta, sa sobrang suko ko na sa kahahanap ng place, I treated the group for a night's stay at a Hotel. A HOTEL!!!! Who stays in a hotel at White Beach Puerto Galera? Hello??? But anyway, we did. At Marco Vincent Hotel. Kase napagod na ako sa kahahanap. Ok lang yun. I have a golden heart naman, eh (ahem, ahem... cough, cough). We enjoyed what was left of the Saturday afternoon sun for us. I discovered something new about myself. Kaya ko naman pala at least lumutang sa malalim part ng beach! Haha. Basta, hindi maalon at clear yung water. Ang arte, no? Bilib ako kay JJ. Mukhang kaya niyang sumali sa Triathlon. Jagard was left at the hotel room kase 24 hours na siyang gising and he desperately needed to get some sleep. Masungit na, eh.

Saturday night, we had dinner at the beach. Grabe the service sa Galera. Ang babagal ng mga waitres! Ang tatanga pang kumuha ng order! Ang laitero ko, no? My gulay naman kase. And after one hour, dumating din ang pagkain namin. Of course, nagyaya akong uminom. It was a saturday at malayo ang mga magulang ko! We had shots of Mindoro Sling at another restaurant na mas maingay pa sa stereo ng jeepney. Actually, kami lang ni Doc ang tumoma nun while Jagard and JJ went "Sight Seeing" at the other end of the beach (wink, wink). Mukhang wala sa mood uminom si Doc. Nang maubos ko na yung pitcher ng Mindoro, Doc Mike went ahead sa hotel while I tried to look for Jagard and JJ. I almost reached the end of the beach pero bigla na akong nahilo and just dropped on the sand. Aaaahhhhhhh. Sarap matulog sa sand. But then someone tried to take advantage of me. Payag naman sana ako kaso ang CHAKA niya!!!! Kaso mo hindi ko kayang gumalaw sa hilo. Good thing nakita ako ni Jagard at ni JJ. Nakilala ko Jagard sa dilim kase ang PUTI-PUTI niya. Para siyang human neon glow stick. Sabi ni Jagard nakita daw niya si Kiko kaya I called him up and met up with him. Kiko was with his barkada. Yung barkada din ni Superspy. We had a short talk lang kase kailangan ko nang bumagsak sa kama. But before I left him, he gave me a tiny blue pill which made me not remember anything after swallowing it. Ayoko nang ikwento ang sinabi sa akin ni Jagard kung ano nang nanyari sa akin after that. Nakakahiya.

Sunday, Doc Mike and JJ went home. May duty pa si Doc kase sa gabi. Jagard and I moved to a cheaper room that is at the beach front. Right after moving our stuff, rumampa, este, nag swimming na agad si Jagard while I took a nap. And then Kiko called. Nakiki-usap if he and his barkada could park their stuff na muna sa room namin kase 11am yung check out time sa room nila at 5:30pm pa yung alis ng boat nila. I had lunch with them. Saya naman kasama.

Quote for the day: "Putang ina, paalis na ako ng Galera, wala pa akong bagong nakikilala." - King

I left Kiko and the group at our room with Jagard. I went swimming by myself. Habang naka-upo ako sa beach para magpahinga may lumapit sa akin na babaeng may edad na.

"Boss, gusto ninyo ng MASADZ?"

Hehe. At nagpamasahe naman ako. Putek, 200 pesos. Ang natatandaan ko last year 100 pesos lang, pero hindi ako nagpamasahe. First time kong magpamasahe kahapon! Ang sarap pala! Tapos dalawa pa silang masahista kaya para akong minasang tinapay. Focaccia bread pa kamo! Gamit pa nila coconut oil kaya nagmistula akong kalamay. Kung nag swimming ako sa kumukulong mantika, naging palitaw na ako. Anyway, happy naman ako kase sabi ni Jagard ang ganda daw ng kulay ko. Haha. After dinner nag disappear na ang aking room mate habang ako ay dumerecho sa bar. Sheht!!! Ang lungkot tumagay nang mag-isa. Pero ang sagwa ng combination na nilagok ko para sa sistema ko. May SMB light. May Vodka Ice. At may Rhum Coke. Sa kalasingan ko, nagandahan na tuloy ako sa bartender na babae. AS IN na turn on ako sa kasasayaw niya tapos ang ganda pa ng porma niya tapos maganda pa siya. Kadiri! Nagkagusto ako sa babae. Yaaaaak! Hindi ako namantal kase for 2 hours "straight" ang drama ng sistema ko. Yaaaaaaaak! After the bar, pumunta ako sa isang tahimik at hindi masyadong mataong part ng beach. Medyo malapit na sa Jurasic Park pero di naman masyado. Doon ako NATULOG. Ang sarap talaga humiga sa sand. Tapos nakatingala ka lang sa langit. Tapos ang ilaw mo lang ang liwanag ng buwan. Tapos biglang lilipad si Kristala. Hehehe. Basta, sarap matulog sa beach. Nagising lang ako nang may gumapang na maliit na crab sa binti ko. Buti kamo hindi siya pumasok sa shorts ko. Hihihihihi.

TAPOS kanina, as soon as Jagard and I had breakfast, swimming ulit kami. Si Jagard pumunta sa kabilang side ng beach. Na-irritate yung mga mata ko after a few minutes in the water kaya hindi na ako masyado nag swim. The water wasn't clear tapos sobrang alon pa. Kaya nagpamasahe nanaman ako. Hehe. SARAP! Pagkatapos ng masahe, kita ko ulit si Jagard na may isang katerbang sting ng Jelly Fish sa likod. Nagparang Philippine archipelago. Kapag minamalas nga naman. Buti na lang nag heal din by the time we got back in Alabang.

Ang out come ng little vacation na ito ay HUMABA ang buhok ni Jagard (HAPPY BIRTHDAY!!!!), at dahil sa aking tan, ang puti-puti ng pwet ko!

Gusto ko ito ulitin. GUSTO KO ITO ULITIN!!!!! Sinong gustong sumama????

jueves, abril 21, 2005

Polgas, pagaya lang, ha? Hehe.

Name: Phillip
Birth date: June 29
Birth place: QC
Current location: AAV
Hair color: Neon black

Your weakness: a.) Kare-kare... basta may buntot and meat, ha? ANd lotsa peanut sauce. Mmmmm! b.) Twister Fries (kaya lang on hiatus nanaman).
Your fears: Driving at night
Your perfect pizza: with roasted garlic and shrimp! Yellow Cab the best!

Your most overused word/phrase: Fabulous. Leche.
Your best physical feature: My tits. Este, my teeth (daw).
Your bedtime: 9pm - 10pm (I try).
Your most missed memories: Sige na nga. AAV KIDDIE CLUB days na rin. Hehe.

Pepsi or Coke: Coke.
McDonald's or Burger King: Brother's Burger
Single or group dates: Group dates, more cuties to see!
Adidas or Nike: Adidas sales people seem to be nicer. =)
Lipton Ice Tea or Nestea: McDo Iced Tea. Hehe.
Chocolate or vanilla: vanilla
Cappuccino or coffee: Green Tea Shake.

Smoke: Nope.
Single: Absolutely SINGLE.
Take a sh0wer: Of course. I'm not a European.
Have a crush: "A whole lotta lovin'."
Think you've been in love: I thought I was.
Want to get married: Uhm.....
Think you're attractive: to reptiles, I guess.
Think you're a health freak: Nope.
Get along with your parents: Only with my mom
Like thunderstorms: Nope.

Drank alcohol: Hahaha. Saturday is alcohol day! Haha.
Been on a date: Nope.
Been to the mall: Almost everyday. I'm starting to like ATC na.
Been on stage: No way.
Eaten sushi: And I ended up in the hospital. DUH.
Been dumped: All the time.

Played a game that required removal of clothing: Hee hee hee hee... :D
Been trashed or extremely intoxicated: Once every... three months?
Been caught doing something, like what: Having a SERIOUS talk with my dogs.

How do you want to die: in my sleep. painless.
What do you want to be when you grow up: Tatangkad pa ba ako???
What country would you most like to visit: The country of... Boracay. Hehe.

Best eye color?: brown
Best hair color?: black
Height: Not too tall.
Best first date location: In... a very... very dark room? Hihihihihihi.
First kiss location: Ha? Ano kamo?

Number of people I could trust with my Life: 2
Number of CD's I own: basta 12 GB on my iPod
Number of piercings: None
Number of tattoos: none

WAS YOUR TIME WASTED FILLING THIS OUT? : Kinda. I'm not yet done with my home work.

1. Do You Sleep - Lisa Loeb
2. The Freshmen - Verve pipe
3. Talkin' Talk - D' Sound
4. Just For You - M People
5. Hello Baby - Cynthia Alexander

miércoles, abril 20, 2005


Pinakalbo ko yung aso kong si Robin kanina. Diyan sa Animal House sa tabi ng Alabang Hills (at nakita ko ang isang Vet doon na may profile sa DL. Hmmmm!). Buhul-buhol nanaman ang buhok. Kase naman leche 'tong isang maid ng mommy, yung batikang extra. Tamad magbanlaw at magpatuyo ng aso. Kaya ko nga bino-blow dry pa yung buhok niyan kapag pinapaliguan ko kase ini-iwasan kong matuyuan ang buhok. Tapos isang beses ko lang napa-ubaya sa iba na magpaligo ng aso, sumemplang pa. Nakaka-frustrate na talaga mga tao dito. Leche ang mga driver. Leche ang labandera. Leche ang kusinera. Tapos pati ang batikang extra, leche din. Tapos pagdating sa trabaho, mga leche din ang makikita ko. Anyway, kawawa si Robin. Sa sobrang buhol na ng buhok, nagkanda-sugat na pala siya. Kainis talaga. Napaganda ko na yung buhok niyan, eh. Grrrrrrrrrr!!!!!

Haaaaaaaaaaaaaaaaaay. Kailangan ko ng isang buwang bakasyon! Buysit.

[pagkalipas ng limang minuto, lumamig na ang ulo ko.]

Konsuelo na lang ang pleasant chikahan ko sa isang staff ng Barangay council. Kinuha ko na kase yung Voter's ID ko. My GADS! Ang chaka ng picture ko as usual. At hindi pa ako semi-kal! Hindi din ako naka-smile. Tapos 1 megapixel lang yata yung digital camera na ginamit noon. Kaya yung picture ko parang kinayod ng manok. 2 or 3 years ago pa kase yung huling voter's registration. At hindi pa ako that time nagkakaroon ng jowang may katok sa ulo. Anyway, ang chismax sa akin ni Miss Barangay Council ay 40% lang ng mga registered voters ang nagawan ng ID.

"At anong nanyari doon sa pera na dapat pinag-gastusan sa 60%? Ninakaw na ng Comelec?," tanong ko sa kanya. Natawa na lang si Miss BC. Dumerecho ako sa business center at excited na pinalaminate ang aking bagong ID.

Nung pumunta nga pala ako sa vet clinic kaninang umaga para pagupitan si Robin, may napansin akong dalawang pusa na naka-upo lang sa isang bench sa loob ng clinic. Hindi sila gumagalaw o nababahala kahit na nakikita nila si Robin na pa-amuy-amoy sa mga cabinet. Ang cute lang nila tignan. At pagkatapos kong ipasok sa isang kulungan si Robin, binalikan ko yung dalawang pusa para hawakan. Tinignan lang ako. Di man lang tumayo.

Ang susuplada ng mga pusa! Pero cute pa rin sila.

Gusto ko tuloy ng pusa.


May nag-add nanaman sa akin sa Friendster kanina. Babae! Siyempre, nangati at namantal ako. As in.... YAAAK. Girl??! Oh my allergies!

At heto pa nga pala ang kwento ko tungkol sa gym last saturday. Putek talaga yang si Kuhol. Ba't ba tuwing makikita ako nyan sa locker room, parati na lang ako nakahubad? Kaliligo din niya kaya siyempre magbibihis din yun. Malas strike # 2: magkatabi ang lockers namin! Nasa kanan ko siya. Pakanta-kanta pa. Tapos malas strike # 3: may isang balyenang bading din sa kaliwa ko na kaibigan pala ni Kuhol. Pow-tekkk talaga. Tapos pinapanood pa akong mag-bihis habang nagchichikahan ang dalawang lola. As in.... YAAAAAAK...!!! Puh-leeze lang.

Mabuti pa kahapon. Pambawi talaga! Magkatabi nanaman lockers namin ni Mister Makati Yuppy. At pinanood din niya akong magbihis! Wekekekekeke. Nakatingin na siya sa akin pero PUTEK, nahiya ako! Kaya umalis ako agad pero nung malapit na ako sa pinto, sumilip ako sa likod at sinusundan pa rin niya ako ng tingin. KILIG! Kaso mo torpe ako... torpe... torpe.... TORPE!!!!!!


Malapit na ang Sabado. Puerto Galera, here I come! Sinong gustong sumama? The more, the MANY-er. Hehe.

martes, abril 19, 2005


I'm meeting up with someone tonight. Someone who I met through DL. We have been talking on the phone for some time now and tonight will be the first time I will be seeing him. Daya nga, eh. He has seen me na before, at ATC, but he didn't call my attention. Nahiya daw. No, this won't be a date. We will just watch a movie and that would probably be it. It's a week night. I can't stay out/up late. I'm just hoping this won't turn out to be as horrible as my past meet-ups. What about my past meet-ups? Basta, ang masasabi ko lang ay... I honestly believe that I deserve to be with descent friends.


Nila is here at our house right now.

She called me monday, last week (when my parents were still in Boracay and I was preparing for my own trip to the beach). She informed me about her flight arrival details so our driver can pick her up at the airport. She arrived yesterday noon but went straight to Cavite and stayed at her own house. We were informed about Nila's schedule during her 2-week stay. She's actually going to Catanduanes tomorrow to visit a friend who she met in New York. And then to Samar, her home province. And then a 3-day stay in Hong kong with 2 relatives. It seemed that she has a very busy schedule, we didn't bother knowing when she will come visit us. But she made a surprise visit today. Definitely a surprise. As in... BULAGA! She looks older now, and talks slower. But she still has the same laugh. She was amused to see how different the house looks now.

"Aba, may swimming pool na, ah! Saan nanggaling yan?"

She will be visiting my brother's big house in a little while with my Mom. Of course, she's curious about the mansion, and how much my nephews have grown. I already told her that they have become fine, young ASSHOLES.

Nila was scheduled to leave on the 30th. But she had it extended until May 2. My Mom promised to take her to our house in Tagaytay Highlands.

In the 7 or 8 years that she has been away, a lot has changed.

viernes, abril 15, 2005

Life is a Beach

Ahhhh.... The BEACH. Sarap. It was a good 3-day rest. Well, actually, 2-days. I spent half of the first day and half of the last day on the road, driving. I didn't mind. I was driving a nice and comfy 4x4 anyway. WELL.... the BEACH. Ahhhhh. The sun was hot but the water was cold. And for the first time, I wasn't afraid of the sun. I actually slept under it! And woke up with an egoy back.

And my beach essentials. My iPod, goggles, camera (as long as you are in a private beach and no kleptos around), sun glasses (not in pic, was wearing it), and sun block.

And the result of a little R & R is... one smiling over-cooked siopao.

domingo, abril 10, 2005

It's a weekend!

I had a pretty good weekend. Friday night, I hung out with Kiko and Superspy at Lanai Red. First time ko doon. 2 more friends later on joined us. Sarap malasing, grabe!! One of the best emotions that I know is the feeling of not worrying about anything, kahit na temporary lang. Cheers to beer! Capped the night with a "serious" talk with a pal. Haaaay. Hirap maging Doctor Love. Lalo na kapag nagsi-swimming pa ang utak mo sa alcohol. I just hope I was telling him the right things. Cheers to beer pa rin!

Saturday night, I was with Doc Mike and Jagard. We had dinner at Serye at the Festival Mall. Sarap talaga ng Chicken Barbeque ala Aristocrat! Saw WenkGirl's Mom dining at the other side of the room ( she later on asked me about Gemology). We were supposed to join Don2xt and R2G for coffee but... I dunno. I guess we were not that interested to travel to Las Piñas area. So we ended up at The Coffee Bean in ATC. Doc Mike invited Doc RD to come over. We had a couple of sips of coffee, and in my case -- sips of ice blended green tea, until RD came. He was in the mood for some beer so I suggested we go to Lanai Red. My second time! Hehe. I bonded well with everyone. It was my 2nd time to meet up with RD but my first time to actually have a decent conversation with him. Funny guy. Same high school pa pala kami. Go lasalle! He invited another doc to join us, another Doc Mike. He's from Zobel too. Nakakatawa din mag-kwento.

And then today, had lunch naman with Jagard and Doc Mike at Yellow Cab alabang. Charlie Chan noodles and 14" 4 Seasons, minus the NY Special kaya half ng pizza Roasted Garlic and Shrimp. Mmmmmm....!

Gluttony, grabe, sarap! Sana every other day, toma day or pizza day with friends.

viernes, abril 08, 2005

Minsan ko lang pansinin ang mga radio commercials. Pero ngayun-ngayon lang, narinig ko ang (bagong?) slogan ng National Bookstore...

"National Bookstore... the country's national bookstore...."

Hahaha. Pucha. Parang kailan lang, nung grade school ako, joke pa lang namin yun.

martes, abril 05, 2005

Ang LAKAS ng hangin ngayon sa labas! Para bang may bagyong darating na hindi ko maintindihan. Nagising nga ako sa ingay ng mga puno sa labas ng kwarto ko. Wala naman akong alam na bagyo. Kagabi pa ito. Pero kagabi naman, masarap pa yung ingay niya. Ngayon, ang lakas na. Parang kailangan kong kumapit nang mahigpit sa isang puno at baka ako matangay pa.

Conscience: Felipe!!!!!! Kumapit ka!!!!!!!

Felipe: Oo, kakapit ako!!

Conscience: Kumapit ka dali!!!!

Felipe: Nakakapit na!!!!!!

Conscience: Felipe!!!!!!

Felipe: Consensya!!!!!!!!!

Jack: Rose!!!!!!!!

Rose: Jack!!!!! I'm over here!!!!!!!

Jack: Rooooooooose!!!!

Rose: Jaaaaaaaaack!

Richard: Erika!!!!!

Erika: Richard!!!!!!!!!!

Pink 5: Bio Team, help me!!!!

Sisa: Basilio!!!!!!!! Crispin!!!!!!!!! Where are you my children???!!

lunes, abril 04, 2005

Ang Inflatable Tent

Kasalukuyang nasa front porch ako. Ang internet connection ko? Naka WiFi ako! Bongga lola mo ngayong gabi. Abot pala ang signal mula sa kwarto ko kapag gabi. Bakit kaya?

Ang sarap ng hangin ngayong gabi. Maingay siya pero mapayapang pagmasdan. Mag camping kaya ako? Sa garden? Hehe. Hindi rin naman pwede kase:

1. Wala na kami ngayong malaking garden,
2. Baka ihian lang ako ng aso ko, at
3. Wala kaming tent.

Natatandaan ko nung bata ako, noong nakatira pa kami sa Merville Park Subdivision sa Parañaque, meron akong inflatable na tent! At kahit na bata ako, sariling baga ko ang parating nagtatayo doon. Maliit lang naman yun eh. Kasya sa isang tao. At matyaga naman ako basta gusto kong gawin. Hindi ako pinapayagan ng nanay kong matulog sa garden. Baka daw kase ako sipunin. Sakitin pa naman ako. Kaya sa sala na lang ako nagca-camping kasama ang 2 pusa ko. May isang beses nga, umuwi ang Kuya ko na gabing-gabi na. Hindi niya alam na nagtayo ako ng tent sa sala. Tuluy-tuloy lang siya sa pagtawid sa dilim hangang sa sumemplang siya sa tent ko at nadaganan ako. Umiyak ako kase akala ko aswang na ang dumaganan sa akin. Nang magising at matagpuan kami ng magulang ko at ni Nila, nagtawanan sila. Mas lalo lang akong umiyak.

Umabot pa yung tent na yun dito sa Alabang. May isang buwan din yung nakatayo sa loob ng kwarto ko. Kapag tapos na ako sa homework ko, pumapasok ako sa loob at ini-imagine na nakatira ako sa jungle. Tapos matutulog na ako sa loob. Pagkagising ko, nakahiga na ako sa kama. Dahil tuwing alas-11 ng gabi, pumapasok si Nila sa kwarto ko upang kalungin ako't ilipat sa kama dahil baka malason ako sa amoy ng plastic, o kaya mawalan ng hangin ang tent at ma-suffocate ako sa loob.

Nang natuto nang maglakad ang mga panganay na anak ng Kuya ko na kambal, sila muli ang naglaro sa inflatable tent ko. Sa kapangyarihan ng aking baga, itinayo ko ito sa garahe at doon sila naglalaro kapag hapon. Kapag naka-uwi na ako mula sa eskwela, kaming tatlo naman ang maglalaro. Kunwari sila ang 2 little piglets, at ako ang bad bad wolf.

Teen-agers na ngayon ang kambal. Tapos na sila sa panahon ng mga laruan. Napagsawaan na rin ng dalawang mas batang mga kapatid ang inflatable tent.

Wala na yung tent ngayon. Nabenta na 3 or 4 years ago nung first time naming mag-garage sale. 500 pesos din yata nabenta yun ng nanay ko dahil wala namang kasira-sira. Katulong yata ng kapit-bahay ang bumili.

Sana pala hindi na lang yun binenta, 'no? Eh di sana ngayon, kahit na wala akong kalaro, kahit na mag-isa na lang ako, maitatayo ko muli ang aking inflatable tent sa garahe at mahihimbing sa simoy ng hangin na dala ngayong gabi.


Hindi ako mataray. Hindi rin ako mapang-api. Alam ng mga kaibigan ko kung gaano akong katahimik at pasensyosong tao. Kung wala man akong modong tao, lahat ng empleyado ng nanay kong tumarantado sa kanya pinagsasampal ko na sana.


Alam kong parang karaniwan na ngayon ang mga maiingay, bakya at magugulong dispachadora sa mga tindahan sa malls, kahit na sa medyo mamahaling tindahan (i.e. U2, Giordano, Speedo, Levi's, etc.). Nakakainis, nakaka-asar. Pero sa kinamalasan ng mga kumpanyang ito, ganyan ang kalidad ng mga nakukuha nilang sales persons. At sa kinamalasan din ng mga customers, 'yan ang mga dispachadorang haharapin nila kung kailangan man nila bumili sa mga tindahang ito.

Naranasan mo na bang disente kang pumipili ng damit sa isang rack habang may isang sales girl na sa tabi mo naghihintay sa iyo na naka pamewang o kaya'y naka de-brazo tapos ang suplada pa na para bang sinasabi sa iyo na "ano, bibili ka ba, bilisan mo kase gusto ko pang makipagchikahan sa mga amiga ko sa kabilang department. Sinasamahan lang kita kase gusto ko sa quota ko mapapunta yung bibilhin mo... kung bibili ka." Nakaka-inis, hindi ba? Mas lalong nakakawalang ganang bumili. Kaya di mo na lang papansinin yung putang nakatayo, o kaya'y lilipat ka na lang sa ibang tindahan.

Sana maisip ng mga empleyadong ito na ang sweldo nila ay nangagaling sa customers, at hindi sa pakikipag chismisan o pakikipag harutan sa mga co-workers. Ang hirap kase dito, nasa kultura ng Pinoy ang pagiging presko.... MASYADONG presko.

Kanina nga nasa Adidas store ako sa Festival Mall. Natutuwa ako sa staff doon kase asikaso nila ang mga customers. Pag pasok mo, binabati ka nila. Kapag may hinahanap kang item, maayos nilang sasagutin ka. Napabili tuloy ako ng mga damit doon, kase nakikita nila ang mga kailangan ko. Palagay ko may dinaanang training ang staff doon. Either that or may sarili lang talaga silang consensya.

Pagdating ko naman sa Surf World, na dalawa o tatlong tindahan ang layo sa Adidas, ang laki ng pinagkaiba ng ugali ng staff doon. Mga bastos, maiingay, at para bang wala sila sa trabaho. Ayokong maging matapobre, pero dahil nabastos ako ng isang empleyada doon... Mukhang maayos na tindahan naman ang Surf World. Hindi basta-basta din ang tindahan na ito dahil surfing equipment ang main products nila. Sino ba naman ang bibili ng ganyang kagamitan? MASA ba? Mahihirap ba? Natural, mga taong may-kaya ang papasok sa tindahan na yan. Pero saang basurahan napulot ng management ang mga sales staff sa festival mall branch?

Ay, ayokong manlait, ayokong mang-api, at wala sa katauhan ko ang maging matapobre dahil nangaling din ang pamilya ko sa hirap. Pero kapag ginago ka ng isang tao, I don't think na hahanapan mo pa siya ng kabutihan.


Haaaaaay. Salamat at masarap ang hangin sa labas. Lumamig din ang ulo ko kahit na paano.


At namatay na ang Santo Papa.

Uhm... wala akong makwento tungkol sa kanya. Hehe.


Ahh. Excited na ako! Malapit na ako makakita ng BEACH!!! Ganito. Sa April 10 hanggang 13, yung Mom and Dad ko, kasama yung Kuya ko, sister-in-law at mga pamangkin kong mga matapobre (salamat sa PAREF Southridge) pupunta ng Boracay. Hindi ako sasama sa kanila kase ayoko nang magbakasyon kasama sila. Plano ko sana mag-San Juan, Batangas habang wala sila. Kahit mag-isa lang ako sa beach, ayos lang. Basta relaxed ako at wala akong makitang kahit anong bagay na magpapa-alala tungkol sa trabaho o pamilya. Pero last week, inimbitahan ako ng isang Anghel na mag Punta Fuego ng 12 to 14. Eh di yun na lang ang pupuntahan ko. Ibig sabihin maaabutan ko pa ang nanay at tatay ko ng Sunday. Pero ok lang kase paalis na sila. Tapos Monday wala na sila sa bahay. Kaya pwede akong lumabas sa gabi nang walang lintek na interview! Tapos sa 23 hanggang 25 or 26, punta naman ako sa Puerto Galera kasama si Zeki at yung mga inimbitahan pa niya, kung sino man pupunta. Beach nanaman! Yehey!

Kaya kailangan kong bumalik sa gym para magmukha naman akong tao sa beach. Kase sa ngayon, mukha na akong siopao sa dami ng nilalamon ko lately. Ba't kase ang sarap magluto ng bago naming kusinera, eh.

Tapos sa June or July, BAKA dumating si Christina. Gusto kong mag road trip papuntang Baguio!!

domingo, abril 03, 2005


Kung bakit hindi ako mapakawalan ng nanay ko, hindi ko maintindihan. Kanina, pumunta ako sa SM kasama si Dein para mamasyal. Pag-uwi, dahil hindi ako nagpa-alam na lumabas, special interview nanaman ako.

Saan ka nagpunta, sinong kasama mo, anong ginawa ninyo, ba't kayo nagtagal doon, anong binili mo, magkano yang binili mo, etchetera... etchetera.... etchetera.

Noong isang araw din, nung lumabas ako para kunin yung pina-laundry ko, ganun din ang tinanong. At tuwing na malalaman niyang lumabas ako. Para bang nakakarindi na. Ibig ko sabihin... MY GOODNESS! Hindi na ako bata. At malapit na rin ako mawala sa kalendaryo. Tatratuhin pa rin ba ako na parang grade school?

Bakit ang Kuya, nung bata pa siya, walang interview? Walang sermon. Layas lang nang layas at uuwi kapag sumikat na ang araw. Pero wala akong natatandaang may interogation pa siya pagkatapos. Ang daya naman, o. Kainis.

Buti nga last weekend, nakalusot ako, kahit na nahuli ako ng driver na 5am na ako naka-uwi. BUTI na lang kamo NAKALIMUTAN akong tanungin ng nanay ko kung lumabas ako.

Ba't ba kase usiserang tagalog 'tong nanay ko.

viernes, abril 01, 2005

O, hindeh.

May mga taong kahit na gaanong kagandaang loob na ang ipakita mo, gagawan at gagawan ka pa rin ng katarantaduhan. At kahit na ilang ulit mo silang patawarin, ilang ulit ka pa rin gagaguhin. Such is life, sabi nga ng nanay ko, lalo na sa mapagkunwaring panahong ito. Ang masaklap pa, hindi lang sila iilan lamang. Marami sila.


Dinadasal ko na maabutan ko pa ang araw na makikita kong umangat na ang Pilipinas. Na may sariling disiplina na ang mga Pilipino. Na masisipag na ang mga Pilipino. Na wala nang magnanakaw na pulitiko. Na maasahan na ang mga government employees. Namapagkakatiwalaan na ang mga pulis. Na wala na ang mga alagad ni Marcos sa pulitika. Na wala nang basura sa mga ilog at kalye. Na wala nang drogang lumalaganap lalo na sa mga kabataan.

At higit sa lahat... sana... SANA... maabutan ko pa ang araw na tumigil na sa pagtubo ang mga pimples ko. Pucha, buysit na 'to!
Bukas... Luluhod ang mga tala. Happy April Fool's!

My GADZ. Ang bilis talaga ng mga araw. April na! Summer na! Pero hindi pa ako nakakakita ng beach! Hay, buti na lang may mabait na nilalang na nag-imbitang pumunta ng Punta Fuego next weekend. Excited na ako! Makakakita ako ng BEACH! Yehey! Pero pucha, kailangan kong bumalik sa gym sa madaling panahon. Leche naman kase itong ubo't sipon ko. Halos isang linggo na, mula nang makabalik ako mula Tagaytay. At mahigit isang linggo na rin akong hindi nakakapag-gym. Tapos ang sarap pa ng lamon ko lately. Kaya ang bilbil.... ang BEEL-BEEEEL!

Isang malaking trahedya.


Kailangan ko nanaman yatang mag-shopping. Hindi ko maintindihan kung lumapad ba nanaman ako o nag-shrink lang ang mga t-shirt ko, pero hindi na kasya sa akin ang mga damit ko! Leche.

Hindi ito magandang balita.