Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

martes, marzo 01, 2005

Si Kuya

Dati, nung bata pa ako, close ako sa Kuya ko. Malaki ang agwat sa edad namin ni Kuya. Mga 12 years din. Pero dahil ako lang naman sa bahay ang kaya niyang utus-utusan at utu-utuin, ako ang nagiging sidekick. Lagi lang kami nag-aaway pagdating sa merienda. Madalas kami ginagawan ng double-deck sandwich ng yaya ko. Pagkatapos niyang maubos ang sandwich niya, makikikagat pa yan ng dalawa sa sandwhich ko. Eh, nandidiri ako sa kagat niya kase bad breath siya. Doon mag-uumpisa ang pagwawala ko. Lahat ihahagis ko mula sa mga laruan ko, hangang sa mga damit ng kuya ko, hangang sa mga libro ko, pati na rin ang inosenteng pusa na natutulog sa living room... flying pussy cat!

Bukod pa diyan, ayos lang naman kami ng Kuya ko. Wag lang guguluhin ang buhok at lalaitin ang kotche niya. Dahil siya ang may pera sa aming dalawa, sa kanya ako nagpapabili ng clover chips at chippy sa tindahan sa kanto malapit sa bahay namin. At dahil ako ang sidekick, madalas niya ako isama sa mga lakad niya. Pag-hiram ng Atari games sa kapit-bahay, pag-renta ng porno (Oo! 6 years old pa lang ako nakakita na ako ng brochahan!) at pag-abot ng tsokolate at roses sa mga nililigawan.

May isang beses sinama niya ako sa DLSU pero iniwan ako sa parking lot (parking lot dati ang McDo-Lasalle ngayon) kase may kailangan daw kunin sa school. Isang oras ako nandoon! Pagkauwi sinumbong ko sa nanay ko. Pinagalitan ngayon siya.

"Ba't mo iniwan ang kapatid mo sa loob ng kotche nang isang oras? Nahihibang ka ba? Kung na-kidnap yan, saan natin hahanapin yan, ha! At ba't mo ba 'yan sinama sa Manila?"

Pagkatapos nun ako naman ang pinagalitan ng Kuya.

"Nakaka-inis ka naman, o! Ba't ka nagsumbong?" Tapos nagdadabog sa loob ng kwarto.

Ako naman ang iiyak at magdadabog pagkatapos.

ENTER: Kuting, the Flying Pussy Cat.

Alam ko rin yung ibang mga niligawan niya. Yung mga bumasted sa kanya. At yung mga nagpapaka-gaga sa kanya. Alam ko rin na nagka-crush yan kay Bitch Queen Gretchen Barreto nung lumipat sila sa village namin, at naging date niya sa prom si Kring-Kring Gonzales.

Tuwing birthday ng kuya ko, ako parati ang umiihip sa candles ng cake niya. Tutal, nababaduyan na siya doon, gusto kong mapapunta na sa akin yung mga birthday wish niya.

Sana magkaroon ako ng bagong BMX bike!.

Sana bakasyon na lang habang buhay!

Sana hindi umulan bukas para pwede ako mag-bike mag-hapon!

Sana may pera bukas si Mommy para mamasyal kami!

Sana basted ulit ang kuya ko kase mayabang yung nililigawan niya!

Nagumpisang maging malayo na lang ako sa kuya ko nang lumipat kami sa Alabang. Ewan ko ba kung ano meron sa hangin dito. Ang lamig ng hangin, pati pakikitungo sa iyo ng mga kapit-bahay malamig din. Kaya siguro pati si kuya nahawa. Dalawang taon pagkatapos kami lumipat sa Alabang, nakabuntis at nagpakasal sa isang anak mayaman ang Kuya ko. Tandaan ko pa yung panlalait sa kanya nung kapitid ng asawa niya bago nagpakasal.

"Ah, siguro binuntisan mo ang kapatid ko dahil may interes ka sa pera nain, 'no!?"

Ang yaya ko ang nag-kwento nun sa akin, hindi nanay ko dahil alam ng nanay kong madaldal akong bata sa mga tita ko. Dito rin sila tumira sa bahay namin hangang sa maisilang ang apat na mga anak. Sa mga panahong ito, parang ibang tao na sa akin ang kuya ko. Iba na ang mundong ginagalawan niya.

Nakapagtapos ako ng high school at college, ganun na ang naging distansya ko sa kuya ko. Ni sa kadulu-duluhan ng aking isipan hindi ko na iniisip na magiging malapit pa ako sa kanya muli. Matanda na kami para ibalik pa ang dati. Naike-kwento ko lang dahil sa kung anong kadahilanan, bigla ko lang naalala kami noong dekada 80.

*****

JOKE TIME:

Dumating ang doktor ni Alma, isang araw matapos siya ay operahan.
ALMA: doc, nakakahiya ho e, may itatanong po ako.
DOC: May problema ba?
ALMA: Wala naman po dok, itatanong ko lang po kung kailan babalik ang normal sex life ko.
DOC: uhmmm..... hindi ako sigurado kasi...... ikaw pa lang ang nagtanong sa kin niyan matapos ang tonsillectomy.