Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

domingo, febrero 06, 2005

Isang hapon ng OPM

At kahit mangarag-ngarag na ako sa puyat at hang-over, heto pa rin ako't gising na gising at nagtatakatak-takatak sa keyboard. At dahil ewan-ko-ba-kung-ano ang takbo ng utak ko ngayong araw, maghapong nagpakababad na lang ako sa mga CD ng pitong bandang (o maka-bandang) Pinoy.


ERASERHEADS ANTHOLOGY
Heto na siguro ang pinakapaborito kong Eraheads na album. Paano ba naman kase lahat ng kantang mga naging paborito ng bayan ay nandito na. Kung naisali lang sana yung lahat ng 2 (or 3?) versions ng Punk Zappa... "WOW ANGELA CHOW PARE HIGH TECH!!!!!" Sarap patugtugin sa kotche kung senti mood ka kase high school at college ka nung panahon ng EHeads. Tapos bigla kang iiyak pagdating sa kantang "Kailan" kase matatandaan mong nabasted ka ng nililigawan mo. Kawawa ka naman.


THE BEST OF YANO
Noong panahong sumikat ang Yano, wala pa akong perang pambili ng kahit cassette tape man lang ng album nila. "Banal na Aso" na siguro ang pinaka sikat nilang kanta. Pero isang katerba pang mga kanta meron sila na pawang sa mga lugar tanghalan tulad ng Club Dredd lamang napapakingan. Ang Yano ang isa sa mga grupong pinagbasehan ng mga banda ng dekada 90. Alternatibo, simple, walang porma, puro mensahe, aktibista, at naka-tsinelas. O siya siya. Hindi yun tsinelas. SANDALS pala. *CHIKA! * Kalayaan para sa Philippines!


SA WAKAS
Matagal-tagal din bago naglabas ng album ang Sugar Free. College pa lang ako naririnig ko na ang pangalan nila pero 2003 lang sila nakapag release ng album. Ang gusto ko sa mga kanta nila dito, lahat mga kwento ng mga kabataan ngayon. Youth oriented kumbaga. * CHIKA! * Paborito ko dito ang "Telepono." Kung bakit, hindi ko alam.




INSOMNIA & OTHER LULLABYES / RIPPINGYARNS
Una ko narinig si Cynthia Alexander sa PhilMusic website via streaming audio. Ah teka, hindi ko lang matandaan kung streaming audio nga yun o free mp3 download. Hmmmm. Siya at ang bandang Pinikpikan ang may pinaka-natural na tunog sa recording. Iniiwasan nila ang masyadong paggamit ng electronic musical instruments. Kaya kung papakingan mo ang mga CD nila, para ka na rin nakikinig ng live performance.


OBRA ENCANTADA
Sa dalawang album ng Pinikpikan, ito ang mas paborito ko. Mas naiintindihan ko kase ang pinagsasabi dito, kahit na bisaya (yata) yung lyrics nila. Tapos may kanta pa na tungkol sa aliens yata. Nakakaloka. HINDI ko naiintindihan ang mensahe nila pero at least hindi ha-woo-woo-wee-waaaaaaaaaa-laaa-laaaaaaaa lang ang sinasabi nila. Basta, bisaya nga yata, eh. Sarap pakingan sa kwarto tapos madilim tapos biglang may moo-moo na lalabas. Wah! Takot ako!


PROBABLY NOT BUT MOST DEFINITELY
Bilib ako sa lyrics ng Imago. Pucha tsong, TAGALOG! As in! Galing pa ng music nila. Tapos ang galing kumanta ni Aia (First name basis. Close na kami!). Sana hindi bulok speakers mo kung papakingan mo ito dahil masarap siyang i-blast. Oo, lakasan mo. LAKASAN MO PAAAAAA! Siguraduhin lang na wala kang masungit na kapit-bahay. Heto ang papatugtugin mo pagkatapos ng Obra Encantada para umalis yung mga moo-moo.


PLAYING IN THE FIELDS
Meron din akong album ng Hungry Young Poets. Fan nga ako ni Barbie, eh. Kase naman kasabay ko siyang mag-retreat sa Rels namin nung college, pero hindi ko siya classmate. O ayun. Feeling ko lang close kami kase nakita ko ilong niya in person. Good album naman ito kung ayaw mo ng bandang maingay. Pwede ring pampatulog sa madilim na kwartong walang moo-moo.