Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

sábado, febrero 26, 2005

Nababahala

Kung minsan binabalutan ako ng takot sa kung anong multong sumusunod sa akin. Hindi multong kaluluwa ng kung sino man. Kundi ang multo mula sa nakaraan na pilit kong kinakalimutan.

May mga multong pinagsisihan ko. May mga multo din namang ikinatutuwa ko nang nilisan. Pero kung anu pa man: kinatatakutan, iniiwasan o pinagsisisihan... Minsan silang lahat bumabalik sa iba't-ibang pagkakataon.

May mga nakaraan na nakakatuwang maalaala. Kung mas bata-bata pa ako, siguro magdadabog ako na sana pwede kong mabalikan ang kayamanan ng magagandang alaala. Sana gumising ako sa mas magandang mundo. Pero tanggap ko nang ang nakaraan ay tapos na. At ang kasalukuyan ay ang katotohanan na kinagagalawan ko.

Ngunit ang mga multo...

Ba't pa ba kailangan din nila maging bahagi ng aking alaala?

Naghuhumiyaw

Putek, bored ako. Walang magawa. Walang kaibigan (ewan ko kung saan sila mahahagilap o naghahadaan sa mga sandaling ito). At wala akong DATE!

Ctc anyone? 27 & above? Alabang area?

Oo na. Sinabi kong masarap maging single. Pero minsan naman ok din maging... uhm.... hindi single. Kaso mo nakikita ko nang isinumpa na talaga ng tadhana na ako'y maging ermitanyo ng lonely hearts club. Leche.

Nasa banyo yata ako't may LBM nang magsabog ang Diyos ng Katangakaran at kapogihan sa buong sanlibutan. Kaya kahit tilamsik man lang, wala akong nakuha. Buysit.

*****

Sa kabilang dako, natutuwa naman ako't nakakapunta na ako sa gym lately (Oo, ang babaw pero sheht ka, blog ko 'to kaya manahimik ka). I mean, hindi na ako masyado tinatamad. Pero, putek, buhay pa si Kuhol. Akala ko nasagasaan na siya ng rumaragazang tren. Yun kase sabi ng mga baraha ko.

"pugad baboy... chuchak... sa Alabang crossing... ng Metro Train..."

E ayun.

Pero choo-me-chem-po naman akong konti lang ang tao kaya full body workout nanaman ako.

*****

Nainis talaga ako kagabi. Kase ba naman pa-invite-invite itong si Alan L. na mag-dinner kagabi, kasama sina Boyet at Jayps. Tagal na daw kase kami hindi nagkikita kaya pumayag naman ako kahit na kina-iilangan ko ang Makati. Sa Greenbelt 3 kami nag dinner, sa The Kitchen. Isang karindiryang sosyal na tinaasan lang ang presyo sa minimum 100 pesos sa isang sopas para sa mga taong atat na humigop ng mantika. Binayaran mo lang ang ambiance dahil.... BONGGA KA DAY!.

"The adobong pusit tastes MARVELOUS!" sabi ng isang baklang ka-baryo ni RuPaul sa kabilang karindirya table.

Kahit na anong local restaurant ang itayo mo sa GB mukhang benta sa mga sossies basta lagyan mo lang ng AMBIANCE.

Habang kumakain kami, biglang may kaibigan si Alan na dumating at nagpakilala. Nakalimutan ko na ang pangalan pero gwapo. Hindi Manila pokpok type na gwapo. Century tuna model type na gwapo. Shake hands-shake hands, smile-smile. Tapos umupo siya sa kabilang table. Tapos maya-maya, meron nanamang dumating. Same routine. Tapos isa pa. ...at isa pa! Tinanong ko kay Alan kung bakit parang dumadami yung mga kakilala niyang dumadating. Eh, anak ng pechay naman! Hinahatak na pala kaming sumama sa isang marketing scheme. Hindi First Quadrant. Iba pa. Pero still parang entrapment! Kainis. I reminded Alan na kaya lang kami pumayag na makipag kita sa kanila dahil ang invite nila ni Mike is to get together lang, and not to attend to some business proposal. I said that in a subtle tone. But I'm sure he got my point. They should have told us the truth. Sinasabi sa akin ni Alan na lipat daw kami doon sa kabilang table kasama yung group. After paying the bill, walk out kami ni Boyet at si Jayps ang nag-diplomatic talk kay Alan. Ewan ko na kung anong napag-usapan nila. Kung paano na-explain ni Jayps kay Alan yung naramdaman namin ni Boyet. MA at PA... Malay ko at pake ko! Basta ang alam ko, masama ang loob ko. Derecho ako sa Music One at meron nanaman akong bagong CD! Yehey!

*****

Gusto ko pumunta dito.

*****

Oo nga pala. Nakalimutan kong i-kwento. Meron na pala akong raketa!

May libre pang isa!

Kaya lang hindi ako marunong gumamit. :(

viernes, febrero 25, 2005

Wafu.

...

I almost forgot. It's a holiday today. NORMAL people don't have work/school today.

* Grumble * Grumble * Grumble *

miércoles, febrero 23, 2005

Ever After

Aha! Nakita ko sa wakas ang lyrics nito. At sa Friendster pa, of all places! Kapag choo-me-chem-poh ka nga naman.

*****

Ever After
(Bonnie Bailey)

Three years ago my journey began
Chasin down this cure no plan in hand
Just your pulse, my reason guiding the dark
Just no wind with conviction from the start
The moment your eyes made an introduction
I felt my second violent breath of life
Flawless to the point of bein cocky
Yet I fell for all your imperfections

Now its slightly weathered, its slightly worn
Our hands still together until after the storm
I believe in ever after with you
Cause life is a pleasure with you by my side
And there aint no current in this river we cant ride
I believe in ever after with you

Nothing compares to the good times
Feels like were floating when the rest of them climb
You made me believe in love and not the perfect kind
A real messy beautiful, twisted sunshine
Emotions: volcanic eruptions
We both took care so were still alive
Tunnel vision . . . determination
I want you, I want to make it right

Now its slightly weathered its slightly worn
Our hands still together until after the storm
I believe in ever after with you
Cause life is a pleasure with you by my side
And there aint no current in this river we cant ride
I believe in ever after with you

You are my twisted sunshine
You are my twisted sunshine

martes, febrero 22, 2005

Bitter.

5 couple-friends broke up at the start of the week. How crazy can one's week get? 10 new single boys and girls in Alabang. Some of them are able to manage it. Some are still sane. And the rest just cracked. Times like this, I'm glad that I'm single. Spare me from the emotional distress. And I could sense that I will be single forever. But that's okay.

Basta ako ang unang mamamatay sa mga kaibigan ko!

*****

About 3 weekends ago, our high school batch had a little reunion at one of the restos in BF homes. Biglaan lang 'to kaya not a lot were informed about it. But I was. It was organized by the high school bulls and bitches so THAT discouraged me to go. They're planning of doing it again soon and I thought of not going. Until last night, when I saw the pics from the reunion (through Elza's blog). It's good to see that most of bulls and bitches now look 30-something, fat and ugly. They think they're so cool. But they just guise as weed-smoking has-beens.

I'll probably show up in the next get-together.

*****

I'm so mean. I'm so mean! But hey! They were mean to me too. It's now my turn to be hostile.

>:)~

lunes, febrero 21, 2005

Mmm... YUMMY.

Gabriel(a)

Watched Constantine, by the way, last Saturday night... before having my booze spree. It was a disturbing movie. Well, at least for me. I mean, it's not everyday I get to hear "counsels" from an "Angel" telling someone that he will be damned in hell no matter how much service he gives to God.

Scary. If that's how the system goes with this religion thingee, paano na tayong mga Pilipino? Kawawa naman si Erap. Wekekekekekeke.

ANYWAY, I don't wanna go deep into the movie. Coz I don't do that. Kekekekekeke. I just have a favorite character and that's Angel Gabriel. She's so cool. La lang. And the HAIR! Gotta love those curls. Galeng! Sometimes I like smooth talking bitches. Parang ang sarap pagsampal-sampalin tapos after 10 minutes gusto ko na siya maging best friend kase pareho kaming MEAN. Then we would walk the halls of Zobel.

* Hi Christina!! How are you NUH???

Gabriel is played by actress Tilda Swinton. She's 45 years old, has a husband and 2 kids. And check this out... her kids' names are Xavier and Honor. How cool is that??? Cool Mom. My next 2 dogs will be named Tsunami and Herpes. ANYWAY... She stands at 5'11". NO WONDER SHE LOOKED SO FABULOUS IN THOSE WHITE ANGEL PANTS! Galeng!



We will still be seeing her in the big movie version of The Chronicles of Narnia: The Lion, The Witch and the Wardrobe (which I secretly renamed The Moron, The Bitch and the Closet Case) as Jadis the White Witch.

You had too much alcohol the previous night...

...if you peed in your sleep. And your pee smelled like Vodka.

A horrible consequence for a heavenly experience.

"It's a weekend... of course I'm drunk!"

viernes, febrero 18, 2005

Kababawan.

Alam mo ba na may sariling Bluetooth driver ang Windows XP?? Hanep!!

Kase kanina nag-install ako ng Nokia PC Suite sa computer ko. May bago nga pala akong telepono. Bigay ng nanay ko. Ehehe ehehe. Nabagsak ko kase yung isang telepono ko at 3k ang magpa-ayos ayon sa mahiwagang technician sa Manila. Kaya binigay na lang sa akin yung extra phone na libre doon sa isang kotcheng binili niya. Anyway, Bluetooth lang ang available connection ko kase wala naman akong infrared at serial cable. Kaso mo nagloloko yung Bluetooth detection manager ng Nokia. Kaya ang ginawa ko in-uninstall ko yung bluetooth driver ko para later on i-reinstall ko ulit. Ang nanyari pagkatapos ko mag reboot, kase genius si Windows XP -- kailangan ko daw mag restart ng computer, naiwan ko yung Bluetooth dongle ko sa USB port. Nakalimutan kong tangalin muna. Kaya pagkaload ng Windows desktop, nag auto-install na yung Bluetooth driver gamit yung windows data cab ek-ek na yan. Basta, galing! Mas cute na yung Bluetooth icon sa task bar. Sa sobrang cute, GUSTO KONG KURUTIN!!!

ANG CUUUUUUUUTE MO BT ICON!!!!!

Tapos nasubukan ko nang mag sync ng phone ko sa Windows Address Book ko. Hindi pwede yung MS Outlook kase gamit ko yun sa PDA ko. Baka magkaloko-loko ang contacts ko. Nag connect naman. At nag sync naman. Hindi nga lang kumpleto ang details na na-sync tulad ng 2nd mobile number o 2nd land line number, at postal address. Pero hindi ko yata ito magagamit kase ISAAAAAAAAAANG katerbang click-click ang dapat ko pang gawin bago ako makapag synchrinize. Tapos hindi pa kumpleto!

Kaya 'wag na lang. Tengks eniwei.

*****

Ngapala. Pina-check ko ulit yung natodas na phone ko dito sa Alabang. Second opinion, kumbaga sa doktor ng cancer. At hindi 3k ang pagpa-ayos kundi 900 pesos lang. Imagine! Mahal pa rin pero kumpara naman sa 3k, di ba? Kaya ayan, ok na siya. Pero nabigay na sa akin ni ermats yung extra phone na super aliw din (Nokia 6230) kaya AKIN NA TO! Hihihihihi.

*****

At bakit nasira yung lumang telepono ko? Kase once upon a time, yung magaling kong Kuya (o di ba, hahabaan ko talaga ang kwento ko) hiniram yung Hed Kandi CD ko, yung Disco Kandi 05.03. Basta, favorite Hed Kandi CD ko yun. Double CD yun at NAWALA NIYA YUNG Disc 1! Nakakainis kase hindi ko na 'to nakikita sa mga tindahan. Pucha, at magkano din ang bili ko dito, ha. Ah basta hindi daw niya makita yung CD sa bahay niya. Kaya ginasgas ko yung Pajero niya (Buwah huwah huwah huwah huwah...!!!!) na dating Pajero ng nanay ko (NGYIIII!!!!). BUTI NA LANG si Nathan, yung kaibigan ni Donald na.... AH BASTA, kumpleto yan halos sa Hed Kandi series (grabe! Daming pera!). At meron siyang Disco Kandi 05.03! Nung Wednesday, nang pasakay ako sa kotche ko papunta sa bahay ni Nathan sa BF, doon ko nabagsak yung telepono ko SA KALYE! At solid ang pagkabagsak sa telepono. Kase ba naman bitbit ko yung laptop (may CD burner kase), yung CD-R case, isang libro (hindi ko alam kung bakit ko bitbit yung libro na yun... buysit) at yung telepono ko nakapatong sa ibabaw. O di ba, para akong kohehiyala? Akala ko nga nadurog yung phone pero hindi naman. Ang sama nga lang ng gasgas sa likod pero ang damage ay ayaw na gumana yung mga buttons sa right side. Yung 3, 6, at 9 kumbaga. Kaya habang nagbu-burn ako ng CD, nagmumura ako sa utak ko kung BAKIT HINDI KO NILAGAY ang telepono ko sa bulsa ko at kung BAKIT ANG ARTE KONG magdala ng gamit nung gabing yun. Hay buysit.

Anyway, tapos na yun. Pinapatawad ko na ang sarili ko sa katangahan ko dahil binigyan naman ako ni Mommy ng telepono!

Weeeeeee!!!!!!!!!!!

>:-)

Biglang nagpaturo ang Daddy ko kung paano gumamit ng DVD kani-kanina lang. Aba, siyempre tuwa naman ako. May interes na siya sa wakas sa modern technology! Hindi nga siya natutong gumamit ng cellphone, pero at least matututo siyang gumamit ng DVD player! Medyo naguluhan nga lang dahil madami pang steps bago makapag play ang DVD namin. Kailangan pang buksan ang amplifier, ang receiver, i-set ang TV sa Video 1, tapos siyempre buksan ang DVD player. Nagsuot pa siya ng salamin, at sampung minuto kong inulit-ulit sa kanya ang lahat. Hindi lang ako sigurado kung na-memorize niya ang mga sinabi ko pero sabi niya OK na daw siya. Tinanong ko kung anong DVD ang papanoorin niya.

"Aaah... eh... basta. May Dee-Bee-Dee diyan na gusto kong panoorin."

Hmmmm... May gusto siyang panoorin na DVD at gusto niya in PRIVATE kaya nagpaturo kung paano mag operate ng player.

Hmmmm... bihirang magkaroon ng ganang matuto ang tatay ko ng kahit anong bago... UNLESS may motivation... At ang MOTIVATION na yan ay...

Oh my gulay! Manonood yata ng PORNO ang tatay ko! Mukhang binigyan yata ng pasalubong ni Tito Ben!

jueves, febrero 17, 2005

I am 5 years old tonight.

If you know the song... well, CHEERS to Ernie.


Well, I'd like to visit the moon
On a rocketship high in the air.
Yes, I'd like to visit the moon,
But I don't think I'd like to live there.
Though I'd like to look down at the earth
From above,
I'd miss all the places
and people I love,
So although I might like it for one afternoon,
I don't want to live on the moon.

I'd like to travel under the sea.
I could meet all the fish everywhere.
Yes, I'd travel under the sea,
But I don't think I'd like to live there.
I might stay for a day there

If i had my wish,
But there's not much to do
When your friends are all fish,
And an oyster and clam aren't real family,
So I don't want to live under the sea.

I'd like to visit the jungle,
Hear the lion's roar;
Go back in time and meet a dinosaur.
There's so many strange places I'd like to be
But none of them permanently.

So if I should visit the moon,
Well, I'll dance on a moonbeam, and then
I will make a wish on a star,
And I'll wish I was home once again.
Though I'd like to look down at the earth from above,
I would miss all the places
And people I love
So although I may go,
I'll be coming home soon,
'Cause I don't want to live on the moon.
No, I don't want to live on the moon.

sábado, febrero 12, 2005

Mga kuha mula sa bayan ng Taal

Nag-road trip kami kanina ni Jong papunta sa bayan ng Taal. Tuwang-tuwa ang nanay ko dahil nagamit ko din ang kotche ko. Kahit na paano tumaas ang mileage. Ang saya ng biyahe. Nag-umpisa kami sa bayan ng Sto. Tomas. Pauwi naman lumabas kami sa Tagaytay. Sa ibang salita, nalibot namin ang Lawa ng Taal!

Heto ang ilang mga litratong kuha ko.



More pictures on my phlog.

Naka-paskil sa isang gate sa Taal, Batangas



Matakot ka kung matuto nang magsalita ang pinto.

jueves, febrero 10, 2005

:-/

My Mom finds it crazy that dogs get the same ailments as humans. Arthritis, colds and asthma as examples. I saw my dog Dexter limping on his right hind limb last night. I tried looking for bruises, cuts or maybe another stone caught in between his toes. But I couldn't find anything. I thought it was a bone problem. I brought him to the vet early this morning. Check-up showed that he has arthritis. At almost 5 years old, he was an old fat dog who hates exercise. I will be giving him pain relieving chewable pellets for the next 5 days for his arthritis. After that, he will be alright, hopefully. He will be needing extra dose of calcium, vitamin E and Vitamin C. We can share vitamins. :)

I left Robin at the vet to be groomed. I know how he hates looking like a poodle. But the curl locks just have to go.

miércoles, febrero 09, 2005

Hari ng Sablay

You're having a bad day when you...

* tried to wake up by rolling on your right but fell on the floor instead.
* used facial wash as a toothpaste.
* Used toothpaste as a facial wash.
* almost used your razor as a toothbrush.
* soaped yourself with shampoo.
* wore your boxers inside out.
* used white sweat socks on black leather shoes (how anti-Nokia-ish) and realized it at the middle of the day.
* tripped 10 times and fell on the ground 3 times. One time with doggie poo 10 inches away from your hand.
* went to the gym without your running shoes.
* went to the gym without your membership card.
* accidentally entered the ladies toilet.
* mistakenly tried on a ladies blouse that looked like a men's polo ("ay sir. Pam-babae po yan").
* bought a lot of new shirts a day after the big sale.
* accidentally dropped your mobile phone on the sidewalk while walking.
* tripped on your pet Pug in your unlit garage because you thought he was just a rock.

*****

I HAVE to start getting at least 7 hours of sleep soon.

martes, febrero 08, 2005

Ang sarap mo


Ang sarap mo talaga.
Tuwang-tuwa akong namnamin ka.
Ang mga kulot mo.
Kahit mga tuwid mo.
Yummy ka!

Ang bango ng amoy mo.
Pati sarap ng alat mo.
Kasabik-sabik
Nakakagigil ka
Over na 'to pero umikot mundo ko sa iyo!

Pero aalis ka nanaman.
Iiwan mo nanaman ako.
Pero hindi bale
Alam kong magkikita tayo muli.
At ipapangako mo.

Sa huling pagkakataon
Hangang sa muli mong pagbabalik.
Pa-kiss naman, please!
Pakagat naman, din... please!
Chomp chomp chomp chomp...



Aaaaaaaaaahh...!
Ang sarap mo talaga!
Mami-miss kita Twister Fries.

lunes, febrero 07, 2005

3:20PM

Noong bata pa ako, tuwing umuulan pinaniniwalaan kong umiiyak ang mga anghel. Kapag umuulan na may araw naman, iniisip ko na umiihi ang Diyos (na kinokontra naman ng nanay ko na may kinakasal daw na kapre). At kapag sumosobra ang init ng panahon, pinaniniwalaan ko namang lumulubog lalo ang Pilipinas patungong impyerno. Kapag lumilindol naman, hinihila ng Diyos ang Pilipinas pataas patungong langit para sagipin sa paghulog sa impyerno.

Hanggang ngayon, iniiyakan pa rin ng mga anghel ang Pilipinas. Manood ka lang ng headline news sa TV gabi-gabi, malalaman mo na kung bakit. At siguro nga tama ang nanay ko na kinakasal ang mga kapre tuwing umuulan na may araw. Dahil mas maraming kapre na ngayon kaysa noong bata pa ako. Hayun ang iba sa kanila ngayon, nasa-UM. Yosi pa rin nang yosi hangang sa bumagsak ang mga baga. Hindi na lumulubog ang Pilipinas. Hindi na kailangan dahil ang mga demonyo na mismo ang umaakyat papuntang Pilipinas. Mangyari, sa lahat ng mga bansa sa buong mundo, ang Pilipinas ang pinakamalapit sa impyerno. Shortcut na kumbaga mula sa mundo nila patungo sa lupa. Hayan pa nga ang marami sa kanila nagtatrabaho sa Batasan. Mga nag-anyong tao lang.

Nakakatakot!

domingo, febrero 06, 2005

Isang hapon ng OPM

At kahit mangarag-ngarag na ako sa puyat at hang-over, heto pa rin ako't gising na gising at nagtatakatak-takatak sa keyboard. At dahil ewan-ko-ba-kung-ano ang takbo ng utak ko ngayong araw, maghapong nagpakababad na lang ako sa mga CD ng pitong bandang (o maka-bandang) Pinoy.


ERASERHEADS ANTHOLOGY
Heto na siguro ang pinakapaborito kong Eraheads na album. Paano ba naman kase lahat ng kantang mga naging paborito ng bayan ay nandito na. Kung naisali lang sana yung lahat ng 2 (or 3?) versions ng Punk Zappa... "WOW ANGELA CHOW PARE HIGH TECH!!!!!" Sarap patugtugin sa kotche kung senti mood ka kase high school at college ka nung panahon ng EHeads. Tapos bigla kang iiyak pagdating sa kantang "Kailan" kase matatandaan mong nabasted ka ng nililigawan mo. Kawawa ka naman.


THE BEST OF YANO
Noong panahong sumikat ang Yano, wala pa akong perang pambili ng kahit cassette tape man lang ng album nila. "Banal na Aso" na siguro ang pinaka sikat nilang kanta. Pero isang katerba pang mga kanta meron sila na pawang sa mga lugar tanghalan tulad ng Club Dredd lamang napapakingan. Ang Yano ang isa sa mga grupong pinagbasehan ng mga banda ng dekada 90. Alternatibo, simple, walang porma, puro mensahe, aktibista, at naka-tsinelas. O siya siya. Hindi yun tsinelas. SANDALS pala. *CHIKA! * Kalayaan para sa Philippines!


SA WAKAS
Matagal-tagal din bago naglabas ng album ang Sugar Free. College pa lang ako naririnig ko na ang pangalan nila pero 2003 lang sila nakapag release ng album. Ang gusto ko sa mga kanta nila dito, lahat mga kwento ng mga kabataan ngayon. Youth oriented kumbaga. * CHIKA! * Paborito ko dito ang "Telepono." Kung bakit, hindi ko alam.




INSOMNIA & OTHER LULLABYES / RIPPINGYARNS
Una ko narinig si Cynthia Alexander sa PhilMusic website via streaming audio. Ah teka, hindi ko lang matandaan kung streaming audio nga yun o free mp3 download. Hmmmm. Siya at ang bandang Pinikpikan ang may pinaka-natural na tunog sa recording. Iniiwasan nila ang masyadong paggamit ng electronic musical instruments. Kaya kung papakingan mo ang mga CD nila, para ka na rin nakikinig ng live performance.


OBRA ENCANTADA
Sa dalawang album ng Pinikpikan, ito ang mas paborito ko. Mas naiintindihan ko kase ang pinagsasabi dito, kahit na bisaya (yata) yung lyrics nila. Tapos may kanta pa na tungkol sa aliens yata. Nakakaloka. HINDI ko naiintindihan ang mensahe nila pero at least hindi ha-woo-woo-wee-waaaaaaaaaa-laaa-laaaaaaaa lang ang sinasabi nila. Basta, bisaya nga yata, eh. Sarap pakingan sa kwarto tapos madilim tapos biglang may moo-moo na lalabas. Wah! Takot ako!


PROBABLY NOT BUT MOST DEFINITELY
Bilib ako sa lyrics ng Imago. Pucha tsong, TAGALOG! As in! Galing pa ng music nila. Tapos ang galing kumanta ni Aia (First name basis. Close na kami!). Sana hindi bulok speakers mo kung papakingan mo ito dahil masarap siyang i-blast. Oo, lakasan mo. LAKASAN MO PAAAAAA! Siguraduhin lang na wala kang masungit na kapit-bahay. Heto ang papatugtugin mo pagkatapos ng Obra Encantada para umalis yung mga moo-moo.


PLAYING IN THE FIELDS
Meron din akong album ng Hungry Young Poets. Fan nga ako ni Barbie, eh. Kase naman kasabay ko siyang mag-retreat sa Rels namin nung college, pero hindi ko siya classmate. O ayun. Feeling ko lang close kami kase nakita ko ilong niya in person. Good album naman ito kung ayaw mo ng bandang maingay. Pwede ring pampatulog sa madilim na kwartong walang moo-moo.

Amanda Audio ver 2.0

The Boston Acoustics clarity build.

In reference to the January 19 entry, here is the completed set-up.

Boston Accoustics front speakers (size 6)


... and tweeters (sold separately)


Pioneer double-dean head unit with woofer level control


2 pieces of size 10 Boston subs attached at the back of the rear passengers seat via Free-Air installation type (boxless installation).

Now you see them...


Now you don't.


A closer look of a subwoofer.


5-channel amp for front and rear speakers. 2-channel amp for subs. Plus a Mobile Electronic Crossover, hidden under the front passenger's seat, for High Pass Filtering to acheive specific clarity.


Two 5x9 3-way Bostons for rear speakers.


Proper mounting and flooring. Plexiglass at the middle of the floor for a clean finish.


This is just a simple set-up to achieve sound clarity. Specifically designed for jazz, accoustic and RnB. Not for hip-hop and big beats. DEFINITELY not for competition.

sábado, febrero 05, 2005

Kitchie


She pretty pala, ha. =)

viernes, febrero 04, 2005

Found a REALLY old tape 10 minutes ago. And THIS used to be my favorite song. Dati akong metal. Haaaay. Senti lang.

Sige na. Download na sa kazaa! 15 users pa!

*****

I Remember You
SKID ROW

Woke up to the sound of pouring rain
The wind would whisper and I'd think of you
And all the tears you cried, that called my name
And when you needed me I came through

I paint a picture of the days gone by
When love went blind and you would make me see
I'd stare a lifetime into your eyes
So that I knew that you were there for me

Remember yesterday - walking hand in hand
Love letters in the sand - I remember you
Through the sleepless nights and every endless day
I'd wanna hear you say - I remember you

We spent the summer with the top rolled down
Wished ever after would be like this
You said I love you babe, without a sound
I said I'd give my life for just one kiss
I'd live for your smile and die for your kiss

Remember yesterday - walking hand in hand
Love letters in the sand - I remember you
Through the sleepless nights and every endless day
I'd wanna hear you say - I remember you

We've had our share of hard times
But that's the price we paid
And through it all we kept the promise that we made
I swear you'll never be lonely

Woke up to the sound of pouring rain
Washed away a dream of you
But nothing else could ever take you away
'Cause you'll always be my dream come true
Oh my darling, I love you

Remember yesterday - walking hand in hand
Love letters in the sand - I remember you
Through the sleepless nights and every endless day
I'd wanna hear you say - I remember you

miércoles, febrero 02, 2005

Mano po

I'm supposed to be sleeping right now. But my brain is still in this excited/disappointed state. My plexiglass was supposed to arrive this afternoon. Pero wala. So my flooring is 50% complete, and my accoustics is totally ssssshh.... OH WAIT! I'll blog about this some other time. This has something to do with my car audio set-up again.

I KNOW, I know. I'm so kulit about this. Spending too much time on my car audio. But hey. This is for little ol' me, okay? Pagbigyan na. Minsan lang ako matuwa sa kotche ko.

*****

uhm... nuu-nee-nuu-nee-nuu...

Damn. I spent my morning at work and the rest of the afternoon at the auto shop, I got nothing to blog about. OH. Except for this teen who kept on using the pinoy word of respect "ho"and "po" on me.

"Ganda ho ng head unit niyo. Magkano po damage niyo diyan?"

I was watching over my car when he was talking pala to me. I thought the other manong was behind me. Then I realized he was looking at me. HOLYSUPERKAMOTE! He was talking to me. Paking ssshiyet! Do I look old??? I'm only twenty-ZAMTING, noh! I tried to control myself, not to awaken the bitch in me.

"Naku XX,XXX pesos yan. Mahal nga eh pero double-dean type lang pwede sa kotche ko eh."

"Astig! Cool ho amps ninyo. Alpine V12 originals. Saan po ninyo nabili yan?"

"Sa Megamall. Mura sa Autosport."

Bitch-in-my-brain: "Pukekang bata ka. Hindi pa ako matanda! Ibaon mo na yang ho at po mo sa lelang mo. Gusto mo ihampas ko itong mga amplifier ko sa mukha mo?"

So there. End of conversation. Forget diplomatic interactions. I was there for my audio, not for the chika. But I got bored. It takes the manongs more than an hour to fix a part of the set-up. And my plexi still hasn't arrived. I had nothing else to do but start another conversation with the kid.

"Anong ipapa-ayos mo sa kotche mo?"

"Ano HO. Uhm... Yung Pioneer unit ko HO maluwang kase HO. Tapos PO yung amps ko PO bagong lagay PO. Kaya kailangan ko PO na ipa-tune sa kanila PO."

STOP, STOP, STOP, STOP, STOP, STOP!!!! What's with the PO, huh??? Hindi ko na siya kinausap. Buyset!

Kid-o's car got fixed 15 minutes later. Nagpaalam pa sa akin nung umalis.

"Sige HO. Good-luck HO sa set-up niyo. Bye po."

"Sige. Bye. Ingat."

Bitch-in-my-brain: "Punyeta, umalis ka na. Sasusunod na ma-PO mo ulit ako babasagin ko salamin ng SiR mo at bubutasin mga Pirelli's mo!"

Manong turned on my radio. D'Sound was playing. There was light... and it was good. Gumanda muli ang simoy ng hangin.

martes, febrero 01, 2005

Anti-porma

I used to buy expensive clothes a lot. Brands I was not exactly sure of but bought them anyway. Brands from Rustan's and M & S. And I loved buying them. I looked like crap back in high school and college with my sneakers, baggy jeans and shirts. One time after college I told myself I would start buying the nicest clothes so I could fit in with the "good" crowd. I wore them to work. And I wore them on night outs. Some looked good on me. But most looked like shit. But I didn't care. I was wearing European branded clothes and I let everyone know about it. But I felt something was terribly wrong. I wasn't happy, and was totally uncomfortable. I got tired and then went back to the usual casual get ups I grew up with and felt relaxed again. Jeans became my daily uniform once more. I even started buying locally made clothes and felt perfectly alright with it. I was back to being myself.

Life operates in the same way. I am designed to be this particular person and nobody has the right to change who I am. I could try to improve myself. But what is the basis of "improvement"? Is it to look the same as other people? Is it to follow the crowd? Is it to immitate the lives of other people? Other people, and probably a lot, can change their image, live up to it and be happy. But I can't. I speak (or write?) only for myself.

I love my jeans. I love my sneakers. And I love my over used shirts. They're so last decade, I know, but I'm comfortable.

I love my low-profile life. I love my friends. And I love the simpliest things I see through the lens of my camera. They're too plain and ordinary, I know, but I'm happy.

Bagong kinatatakutan ng mga ipis.


It's a pair of casual shoes.

It's made of denim.

It's khaki... or brown?

And it's less than a thousand pesos.