Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

domingo, enero 09, 2005

Pucha. Ano ba itong nanayayari sa akin. Para akong dinaganan ng balyena. Nabinat na nga yata ako (Pero sana nga din hindi). Mangyari nag gym ako kahapon, sabado. Pero hindi naman ako masyado nagtagal. Mga 45 minutes lang. Konting takbo. At konting buhat. Pagdating ng hapon, hayun, parang nilakad ko ang buong planeta sa sobrang pagod. Hindi ko nga maintindihan, eh. Hindi naman ako puyat. At hindi naman ako masyado nagpagod sa gym. Pero sa sobrang lata ko kahapon, maghapon akong nakatulog. Halos 5:30pm na ako nang magising.

First time ko ulit mag dine-out kagabi pagkatapos kong ma-ospital. Sa Gloria Maris kami, as usual. Favorite ng tatay ko doon. Hindi ko alam kung paborito niya ang pagkain, o yung mga mahahabang hiwa sa palda ng mga waitres doon. Siyempre, ingat na ingat ako kagabi. Gusto ko Softdrink in Can at ako ang magbubukas. Tapos kapag suspetsa kong hilaw yung pagkain, hindi ko kakainin. At yung dumplings gusto ko mainit pa at bagong luto. Sa umpisa lang itong pagkapraning ko. Ilang araw pa, wala na ito. Pero matagal-tagal pa siguro bago ako makabalik sa Terriyaki Boy.

Ngayong araw naman, para nanaman akong nanlalata. Pagkauwi naman namin kagabi, hindi na ako nagpuyat masyado. Nakipag kwentuhan lang naman ako kay Eman tapos derecho na akong natulog nang walang istorbo, pwera na lang sa 2AM toilet wee-wee trip. Kaya habang namamasyal kami ni J sa Robinson's Place kanina, mas mabilis pa siya kaysa sa akin, kahit na siya yung may pilay sa paa.

Kailangan maaga ulit tulog ko mamaya. At kailangan malakas na ako bukas. Hindi na muna siguro ako magwo-work out bukas. Sabi nga ni Eman dapat nagpahinga muna ako nang kahit isa pang linggo. Kaya yun na nga siguro ang gagawin ko.