Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

miƩrcoles, enero 26, 2005

Iba na ang may pinagsamahan

Kaibigan mo ang mga kaibigan mo dahil sa kayo ay may pinagsamahan. Sa mga usapang ganito, hindi na importante kung ano nga ba itong "pinagsamahan" ninyo. Hindi mo maaaring gawing katumbas ng salitang ito sa "dahil kasama ko siya sa camping," o "siya ang kaklase ko nung grade 4 ako." Walang pagpapaliwanag ang maghihintay sa "may pinagsamahan."

Kapag tatanungin ako kung ano ang pinagsamahan ko sa mga kaibigan ko, wala ako agad na maisasagot. At malamang sa hindi, wala talaga akong maisasagot. Dahil mas malalim pa sa pagpapaliwanag na gamit ang salita ang makakapagbigay kahulugan sa salitang ito. Hindi mahalaga ang haba ng panahon na kakilala ko sila. Hindi rin mahalaga kung gaano kadalas ko sila makasama. Kung ano man ang pinagsamahan ko sa isang kaibigan ay kami na ang nagkakaintindihan doon. Kami na ang makakaramdam doon.