Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

lunes, enero 24, 2005

Harana

Hindi ko maintindihan kung bakit naiiyak ako kapag naririnig ko ang kantang ito. Siguro dahil sa pagareglo ng kanta. Siguro dahil sa lirika. Pero pucha kung babae ako at haranahan ng kantang ito, pwede na ako pumunta sa langit.

Ngunit, subalit, dadapwat...!!!

Hindi ako girl kaya sorry na lang ang lola mo.

*****

INIIBIG KITA
Ryan Cayabyab

Kulang ang araw at gabi 'pag kita'y kapiling.
Kahit ang bukas ay di rin sapat upang mamasdan lamang kita.
Labis kitang minamahal, pag-ibig ko'y walang kapantay.
Kung kaya ko lang abutin ang mga bituin t'yak ito'y gagawin.

Malaman mo lang wala nang ibang mas hihigit pa sa pag-ibig ko sa 'yo.
Walang ibang nagmamahal ng tulad ko sana'y paniwalaan mo.
Iniibig kita.

Iniibig kita. Iniibig kita. Iniibig kita.
Iniibig kita. Iniibig kita.