Buhay Talaan ni Felipe - 2

Mamaalam, tala kong may ngiti, saglit lamang, may huling habilin, sa gitna ng yong paglalakbay, sa dako mong ihihimlay dalhin ang payapa't pangakong wagas. Patawad. May lunas pa araw nananamlay mong diwa s'yang may gamay ng malay mong tilang hiram. Itong minamataa, daang tinitimbang, dala, tang kong alay. Mamaalam sa mundong kay lupit, sadya kayang nilihis sa pait. Sa gitna ng yong paghihimlay, manlako kang maghihintay. Dalhin sa paaglitis. Taglay ng tamis. Paalam. ["Alay," Aia de Leon]

viernes, diciembre 17, 2004

Nireregla ako

Bakit?

Bakit ko ikaw kailangan pang kausapin sa wikang ingles? Hindi ka naman lumaki sa Amerika. Pilipino ka naman, di ba? Magpangap bang banyaga?

Bakit ko kailangan mag salita sa wikang ingles upang maging katangap-tangap sa mga pukekang-inang mga kaibigan mo? Hindi ba sila marunong mag tagalog? Eh mas kulay lupa pa sila kaysa sa akin?

Bakit kailangan kong gumastos nang malaki para magkaroon ng magandang damit? Hindi ko naman siguro kailangan ang pangalan ng mga designer na yan, di ba? Isang laba lang ng labandera ko, lunat na ang mga yan.

Bakit ko kailangan palitan pa ang mga gamit ko sa kwarto? May silbi naman ang mga yan. Hindi nga kasing sosyal ng mga gamit mo pero nagagamit ko naman sila.

Bakit ko kailangan pumunta sa Makati para gumimik eh puro sosyalan lang ang ginagawa ng mga poknat doon. Pasosyal-sosyal lang ang mga yan, mga wala namang pera.

Bakit ang mga bading sa Makati nagpapangap na bisexual eh mas malamya pa sa nilagang makahiya kung kumilos? Right, DAH-LING?

Bakit kung bibili ka ng BMW, kailangan mo nanaman makipag-inglesan sa poknatang sosyal na ahente ng kotche? Pambili naman namin "pera" hindi "ingles." Pukekang ina talaga, o.

At kahit kaya mong bumili ng BMW 5 at 7 series, mababa pa rin ang tingin sa iyo dahil lang sa hindi ka sanay sa inglesan. Katawa-tawa. Nasa kanila ang ingles, nasa amin ang pera. Pwe!

Bakit kailangan maging malaki at mamahalin ang bahay mo para puntahan ka ng mga kapit bahay mong nagpapangap na mayaman?

Bakit ang mga kristiyano dito kung magdasal sa simbahan para bang napakabanal at nakapikit pa. Kulang na lang umiyak at maglakad nang nakaluhod ala Imelda Marcos. Mga matapobre naman.

Bakit ang mga mas batang Kristiyano ginagawang sosyalan ang simbahan?